Ang mgatapir[1] ay malalaking mga mamalyang nanginginain ng damo sa mga pastulan, kawangis ng mgababoy sa hugis na may maiksi at napapagalaw na mganguso. Namumuhay sila sa mga kagubatan ngTimog Amerika,Gitnang Amerika, atTimog-Silangang Asya. Ibinibilang ang lahat ng apat nauri ng mga tapir sa mga nanganganib na mga hayop. Pinakamalapit nilang kamag-anak ang iba pang mgaungguladong mamalyang may mga di-pantay na bilang ng mgadaliri sa paa, katulad ngkabayo atrinosero.
Naglalagi ang mga ito sa mga kagubatan na may anyo ng tubig na dumadaloy. Sapagkat, mahiyain, malimit na gumagala lamang sila pagsabit ng gabi para manginain ng mga prutas, dahon, at iba pang mga bahagi ng mga halaman.[1]
Nagluluwal lamang ng isang anak ang mga tapir sa panahon ng kanilang siklo ng reproduksiyon. Kaiba ang anyo ng balahibo ng isang sanggol na tapir kapag inihambing sa ina nito. Mas maraming mga guhit at tuldok ang sa batang tapir na may madilim na balahibo.[1]
May apat na uri ng mga tapir: