Angtansong dilaw (Ingles:brass) ay isanghaluang metal na binubuo ngtanso atsink; ang tumbasan o proporsiyon ng sink at tanso ay maaaring magkakaiba upang makalikha ng isang kasaklawan ng mgabrasa na may iba't ibang mga katangian o kaariang katangian.[1]
Bilang paghahambing, angtansong pula o bronse ay pangunahing isang haluang metal na binubuo ng tanso atlata.[2] Ang tansong pula ay hindi talaga nangangailangang maglaman ng lata, at ang isang kasamu't sarian ng mga haluang metal na may tanso, kabilang na ang mga haluang metal na mayarseniko,posporo,aluminyo,mangganesa,Ang tansong dilaw ay isangpamalit na haluang metal. Ginagamit ito sa pagpapalamuti dahil sa anyo nitong makintab na tilaginto; para sa mga paggamit kung saan kailangan ang mababangpagpipingkian o pagkikiskisan na katulad ng sa mgakandado,enggranahe,kiyas,busol,bala ng sandata, atbalbula; para sa mga kagamitangpangpagtutubero atpangkuryente; at nang malawakan sainstrumentong pangmusikang katulad ng mgatambuli,torotot, at mgakuliling dahil sa mga katangian nitong akustiko. Ginagamit din ito sa para sa mgasiper. Dahil sa mas malambot ito kaysa sa karamihan ng iba pang mga metal, sa pangkalahatang paggamit, ang tansong dilaw ay madalas na ginagamit sa mga sitwasyon kung saan mahalaga na ang tilamsik ng apoy o pagsiklab ay hindi tumalab, katulad ng sa mga pangkabit at mga kasangkapang nasa paligid ng sumasabog na mga gas o hangin.[3]