Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Tanah Lot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
AngTanah-Lot at Templo ngTanah Lot sa Bali, Indonesia

AngTanah Lot, na nangangahulugan ng "Lupain sa Dagat", ay isang pormasyon ng bato na matatagpuan malayo sa pampang sa lalawigan ngBali sa bansangIndonesia. Ito ay may talampas at sa itaas nito ay matatagpuan ang templo ngTanah Lot oPura Tanah Lot.[1][2] Napabilang sa2000 World Monuments Watch angTanah Lot.[3]

Lokasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Matatagpuan angTanah Lot sa 13 kilometro sa kanluran ngTabanan sa nayon ngBeraban Kediri Tabanan District. Ito ay tinatayang 30 kilometro mula sa paliparan ngNgurah Rai saDenpasar. AngTanah Lot ay dating bahagi ng pangunahing lupain ng Bali subalit dahil sa erosyon o pagguho ng lupa, ito ay napahiwalay. Ito ay kilala na isang lugar kung saan magandang panoorin ang paglubog ng araw kaya ito ay malimit puntahan ng mga turista tuwing hapon.[1][2][3]

Templo ngTanah Lot

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa itaas ng talampas ngTanah Lot at 300 metro malayo sa pampang ay matatagpuan angPura Tanah Lot o Templo ngTanah Lot. Ito ay isang templo na Hindu na nakatuon sa mga diyos ng dagat. Ito ay isang kumplikadong istruktura na gawa sa kahoy may hugis na parang tulay. Ito ay nakaharap sa dagat. Pinaniniwalaang nagawa ang templo noong ika-labinglima at ika-labinganim na siglo sa pamamagitan ng isang nirerespetong taong relihiyoso sa Bali na nagngangalangDang Hyang Nirartha.[1][2][3]

Alamat ngTanah Lot at Templo ngTanah Lot

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pinaniniwalaan na siDang Hyang Nirartha ang gumawa ng tatlong templo sa mga nayon ng Bali kung saan nakalaan para kay Brahma ang templo na nasa hilaga, kay Vishnu ang templo na nasa gitna at para kay Shiva ang templo na nasa timog. Siya ay kilala bilang isang lalaki na nagtataglay ng makapangyarihang supernatural na lakas sa larangan ng mitolohiya ng Bali. Habang naglalakbay sa katimugang baybayin ng Bali sa nayon ng Beraban, nakita niDang Hyang Nirartha angGili Beo, isang maliit na isla na gawa sa bato na may hugis na ibon. Naramdaman niDang Hyang Nirartha na ito ay isang banal na lugar para pagtayuan ng isang dambana. Nagalit ang pinuno ng Beraban at inutusan ang mga tao na paalisin siDang Hyang Nirartha saGili Beo. Dahil sa kapangyarihan niDang Hyang Nirartha ay nagawa niyang pagalawin patungong dagat ang buong isla na gawa sa bato at magtayo dito ng templo. Tinawag naTanah Lot ang islang ito.[2]

Ayon sa mitolohiya ng Bali, ang Templo ngTanah Lot ay itinayo para sambahin ang diyos ng dagat na siBhatara Segara. Gumawa ng isang makamandag na ahas siBhatara Segara mula sa kanyang sintas para protektahan ang templo. Pinaniniwalaan na nakatira ang ahas na ito sa pinakamababang parte ng isla para pangalagaan ang templo mula sa mga masamang tao.[2]

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.11.2"Tanah Lot".Bali Tourism Board. Bali Tourism Board. Inarkibo mula saorihinal noong 27 Nobiyembre 2022. Nakuha noong7 November 2022.{{cite web}}:Check date values in:|archive-date= (tulong)
  2. 2.02.12.22.32.4"Tanah Lot".Wonderful Indonesia. Ministry of Tourism, Republic of Indonesia. Nakuha noong7 November 2022.
  3. 3.03.13.2"Tanah Lot Temple".World Monuments Fund. World Monuments Fund. Nakuha noong7 November 2022.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Tanah_Lot&oldid=2097838"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp