Tatlong uri ng talong, kabilang dito ang kulay puting mga bunga.Isang lilang talong na hiniwa at hinati sa gitna para maipakita ang loob. Nagsisimula nang pumailalim sa proseso ngoksidasyon ang mga laman na nakapaligid sa mga buto, na magiging sanhi ng pagigingkayumanggi ng lamang ito. Nagaganap ito matapos ang ilang minuto pagkaraang mahiwa ang talong.
Angtalong ay isangespesye sa pamilyangSolanaceae. Itinatanim angsolanum melongena sa buong mundo para sa nakakaing prutas nito.
Kadalasang kulaylila, sinasangkap ang malaespongha, nakakasipsip na prutas sa ilang mga lutuin. Karaniwang ginagamit bilanggulay sa pagluluto, isa itongberi ayon sabotanika. Bilang miyembro ng genusSolanum, kabilang sa mga kamag-anak nito angkamatis,sili, atpatatas, ngunit galing saBagong Mundo ang mga iyon habang galing saLumang Mundo ang talong. Tulad ng kamatis, maaaring kainin ang balat at binhi nito, ngunit, kagaya ng patatas, kadalasan itong niluluto bago kainin. Mababa ang makrosustansiya at mikrosustansiya ng talong, ngunit ginagamit ito sa kulinarya dahil nakakasipsip ang prutas ng mga mantika at lasa habang niluluto.
Unang dinomestika ito mula saS. incanum,[1][2][3] marahil nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagdodomestika: isa saTimog Asya, at isa saSilangang Asya.[4] Noong 2021, 59 milyong tonelada ang produksiyon ng talong sa mundo, at nanggaling sa Tsina at Indiya ang 86% ng kabuuan.
↑Tsao and Lo in "Vegetables: Types and Biology" ["Mga Gulay: Mga Uri at Biolohiya"] (sa wikang Ingles).Handbook of Food Science, Technology, and Engineering by Yiu H. Hui (2006). CRC Press.ISBN1-57444-551-0.
↑Doijode, S. D. (2001).Seed storage of horticultural crops [Pag-iimbak ng binhi ng mga hortikultural na pananim] (sa wikang Ingles, pa 157). Haworth Press:ISBN1-56022-901-2
↑"Solanum melongena".Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong20 Nobyembre 2014.