Mayroon ang Ruso ng katayuang wikang opisyal sa pamamagitan ng paggamit nito bilang opisyal na wikang interetniko na nabanggit sa Konstitusyon ng Tayikistan.[4]
AngTayikistan oTajikistan,[a][b] opisyal bilangRepublika ng Tayikistan,[c] ay isang bansang nasasagitna ng lupain saGitnang Asya.Dushanbe ang kabisera nito at pinakamataong lungsod. Napapaligiran ang Tayikistan ngApganistan sa timog,Usbekistan sa kanluran,Kirgistan sa hilaga, atTsina sa silangan. Nahihiwalay ito mula saPakistan sa Koridor na Wakhan ng Apganistan. Binubuo ng mga Tajik ang mayoryang etniko ng bansa atTajik ang kanilang pambansang wika, isa uri ngPersa.[5]
Angpunong ministro ng Tayikistan (Сарвазири Ҷумҳурии Тоҷикистон) ay isang titulo na kinuha ngpinuno ng pamahalaan ng Tayikistan. Pagkatapos ng pangulo, angpunong ministro ang sumunod na makapangyarihang indibiduwal sa bansa. Nakikipagtalastasan ang punong ministro sa gawa ng Gabinete at nagbibigay payo at tinutulungan ang pangulo sa pangangasiwa ng mga gampanin ngpamahalaan.
AngPambansang Kapulungan (Tajik:Маҷлиси миллии,Majlisi milli;Ruso:Национальный совет Высшего собрания) ay ang mataas na kapulungan ng dalawahang kamara ngparlamento ng Tayikistan. Mayroon itong 33 kasapi : 25 ang hinalal na may terminong limang taon ng mga diputado ng lokal na majlisi at 8 na hinirang ng pangulo. Bilang isang karapatan, ang mga dating pangulo ay kasapi habang buhay.[6] Nagsisilbi si Rustam Emomali, na anak ng kasalukuyang Pangulo na siEmomali Rahmon, bilang Tagapanulo ng Majlisi Milli simula noong Abril 17, 2020.[7]
Nahalal ang dalawampu't limang kasapi noong Marso 27, 2020 at hinirang ni PangulongEmomali Rahmon ang isang-kapat ng mga kasapi noong April, na dinala ang kabuuang bilang ng mga kasapi sa tatlumpu't isa.[8]
AngKapulungan ng mga Kinatawan (Ruso:Пала́та представи́телей Вы́сшего собра́ния Респу́блики Таджикиста́н;Tajik:Маҷлиси намояндагон) ay ang mababang kapulungan ng dalawahang kamara ng Kataas-taasang Kapulungan ng Tayikistan. Naging dominanteng partido ang Partidong Demokratikong Pambayan ng Tayikistan ([Ҳизби халқии демократии Тоҷикистон]Error: {{Lang-xx}}: Di tugmang Non-latn text (pos 1: Ҳ)/Latn script subtag (tulong); [Народная демократическая партия Таджикистана]Error: {{Lang-xx}}: Di tugmang Non-latn text (pos 1: Н)/Latn script subtag (tulong)) sa lehislatura simula pa noong 2000.
Dalawang kaparaanan ang paghalal ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan; nahalal ang 41 kasapi sa isahang-kasapi na konstityuwensya gamit ang sistemang dalawang-kurso, habang nahalal ang 22 sa representasyong proporsyonal sa isahang konstityuwensyang pambansa, na may isang saklaw ng elektoral na 5%.[9]
↑"Human Development Report 2021/2022"(PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022.Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2022. Nakuha noong11 Oktubre 2022.
↑"PRESIDENT EMOMALI RAHMON ATTENDS FIRST SESSION OF SIXTH CONVOCATION OF NATIONAL ASSEMBLY".Ministry of Health (sa wikang Ingles). 20 April 2020. Nakuha noong20 Abril 2020.Twenty-five members of the National Assembly were elected on March 27 and in accordance of his constitutional competence President Rahmon appointed one quarter of the members of the National Assembly on Wednesday. The National Assembly consist is of 31 members.{...}I would also like to congratulate Rustami Emomali on his election as the Chairman of the Majlisi Milli of Majlisi Oli (National Assembly of the Parliament) of the Republic of Tajikistan, Ahmadzoda Rajabboy and Yodgor Fayzov as Principal Deputy Chairman and Deputy Chairman of the Senate and wish them successes as well.