Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Tainga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saTainga ng tao)
Kaliwang tainga ng tao.

Angtenga otainga (Ingles:ear oears) ang organongpandama na ginagamit sapandinig ng mgatunog. May pagkakapareho sa kanilangbiolohiya ang mgabertebrado, mula sa mgaisda hanggang sa mgatao, na may pagkakaiba lamang sa istraktura ng tenga ayon sasari aturi. Gumaganap lamang na tagatanggap ng tunog ang tenga, subalit mayroon ding ginagampanan sa pandamangpanimbang at posisyon ng katawan. Bahagisistemang auditoryo ang tainga. Tumutukoy angpang-uringaural (huwag ikalito sa salitangaura) sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa tainga.[1]

Sa halos lahat ng mgahayop, ang nakikitang tenga ay isang pilas ng laman na karaniwan ding tinatawag napinna sa larangan nganatomiya. Saanatomiya ng tao, kilala angpinna bilangaurikulo (Ingles:auricle). May isang pares ng mga tenga ang mga bertebrado, na nakalagay sa magkapantay (simetriko) na lugar sa magkabilang gilid ngulo. Nakatutulong ang pagkakaayos na ito sa kakayahang tumuon sa pinanggagalingan at kinaroroonan ng mga tunog.

Punsiyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pandinig

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Pandinig

Paano gumagana ang pandinig? Ibinibigay ng isang artikulo saIEEE Spectrum (IEEE ay binibigkas na (sa Ingles)I-triple-E) ang isangtalataan tungkol sa paksa:

Sa taingang gumagana ng tao, ang mga alon ngtunog ay dumadaloy sadaluyan ng tainga at itinatakda sa paggalaw angbamban ng tainga, at gayon din ito ay nagvivibrate ng napakaliliit nabuto sagitnang tainga. Lumilipat ang itong mga buto ng mgavibration sacochlea, isanghugiskuhol na istruktura na halos kasing laki ng isangtsitsaro. Sa loob ng cochlea na puno nglikido, ang isangbalamban ay gumagawa ng mga kilapsaw bilang tugon sa mgavibration ng tunog, at ginagalaw ng mga kilapsaw na iyon ang mga bungkos ng mgapandamang mgaselula ng buhok na nangangalitaw sa ibabaw ng balambang iyon. Ang mga itong paggalaw ay nagiging sanhi ng mga selula na maglabas ng mganeurotransmitter na nagdudulot ng isangelektrikal na signal sa mganeuron ng mganerbiyong cochlear. Ang lahat ng mga itong elektrikal na signal ay nag-eencode ng tunog, at nagbibiyahe ang signal sa nerbiyo hanggang sautak. Hindi alintana kung alingdalasan ng tunog ang kanilang i-eencode, ang mga cochlear na neuron ay kinakatawan ang kasinsinan ng tunog sa pamamagitan ng antas at tiyempo ng nilang elektrikal na signal: Ang antas ng putok ay maaaring umabot sa ilang daanghertz, at tiyempo ay nakakagawa ngkatumpakan nang submilisegundo.[2]

Panimbang

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Panimbang

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "Aural, ipinaliwanag sa ilalim ng paksangaurist".The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 63.
  2. Moser, Tobias (Setyembre 2022)."Restoring Hearing With Beams of Light".IEEE Spectrum (sa wikang Ingles). Bol. 59, blg. 9. p. 32. Nakuha noong28 Hulyo 2023.In a functioning human ear, sound waves are channeled down the ear canal and set the ear drum in motion, which in turn vibrates tiny bones in the middle ear. Those bones transfer the vibrations to the inner ear's cochlea, a snail-shaped structure about the size of a pea. Inside the fluid-filled cochlea, a membrane ripples in response to sound vibrations, and those ripples move bundles of sensory hair cells that project from the surface of that membrane. These movements trigger the hair cells to release neurotransmitters that cause an electrical signal in the neurons of the cochlear nerve. All these electrical signals encode the sound, and the signal travels up the nerve to the brain. Regardless of which sound frequency they encode, the cochlear neurons represent sound intensity by the rate and timing of their electrical signals: The firing rate can reach a few hundred hertz, and the timing can achieve submillisecond precision.
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong:

AnatomiyaAng lathalaing ito na tungkol saAnatomiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Tainga&oldid=2145512"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp