Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Taeng-bituin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol sa taeng-bituin bilang solidong bagay na nakaligtas sa pagdaan sa atmospera at nakaabot sa ibabaw ng isang planeta o buwan ang artikulo na ito. Para sa taeng-bituin bilang isang kristal na nabuo mula sa panlupang labi na inilabas nang bumagsak ang isang bulalakaw, tingnan angtaeng-kulog.
Taeng-bituing na Willamette na natuklasan sa estado ngEstados Unidos naOregon.

Ang isangtaeng-bituin,[1]taeng-bato[1]meteorite obulalato ay isang natural na solidong bagay, tulad ngkometa,asteroyd obulalakaw na nagmumula sa panlabas nakalawakan na nakaligtas sa pagdaan nito saatmospera upang maabot ang ibabaw ng isangplaneta obuwan. Ang sukat ng isang taeng-bituin ay maaaring may saklaw na mula maliit hanggang sukdulang malaki. Ang karamihan ng mga taeng-bituin ay hango sa mga maliliit na mga bagay na astronomikal na tinatawag na mga bulalakaw ngunit ang mga ito ay maaari ring nalilikha ng mga pagbangga ng mgaasteroyd.

Kapag ang isang bulalakaw ay pumasok sahimpapawid, may ilang mga sanhi tulad ngpriksiyon,presyon at mga interaksiyongkimikal kasama ang pang-himpapawid na gas ang nagdudulot ng pag-init nito at maglabas ng init anglakas na iyon. Pagkatapos, nagiging bulalakaw at bumubuo ng isang bolangapoy. Tinatawag ng mgaastronomo ang mga napakaliwanag na mga bulalakaw bilangbolide. Iba't iba ang sukat ng mga taeng-bituin. Para sa mgaheologo, ang isangbolide ay isang taeng-bituin na may kalakihan na maaring lumikha ng isang banggang may bunganga oimpact crater.[2]

Sa pangkalahatan, ang isang taeng-bituin sa ibabaw ng anumang katawang pangkalawakan ay isang likas na bagay na nagmula sa iba pang lugar sa kalawakan. Ang mga taeng-bituin ay natagpuan sabuwan at planetangMarte. Ang mga taeng-bituing nakuha pagkatapos naobserbahan habang ito ay dumadaan sa atmospera o bumangga sa mundo. Tinatawag ang pagkuha na ito na mga bagsak ofall ngunit kung hindi ito naobserbahan at nakuha, tinatawag itong mga hanap ofind. Noong Agosto 2018, may tinatayang mga 1,412 na napagmasdang pagbagsak na may mgaspecimen o muwestra sa mga koleksiyon ng mundo.[3] Salungat dito, may higit sa 59,200 na mahusay na nadokumentong mga natagpuang taeng-bituin.[4]

Ang mga taeng-bituin ay tradisyonal na hinahati sa tatlong mga malalawak na kategorya: ang mga mabatong taeng-bituin ay mga bato na pangunahing binubuo ng mga mineral na silikata osilicate; ang mga bakal na taeng-bituin ay malaking binubuo ng metalikongbakal-nickel; at ang mabatong-bakal na mga taeng-bituin na naglalaman ng malalaking mga halaga ng parehong metaliko at mabatong materyal. Ang mga modernong iskemang klasipikasyon ay naghahati ng mga taeng-bituin sa mga pangkat ayon sa istraktura nito, kemikal atistopikong komposisyon nito atmineralohiya.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 12Lo, Ricky (4 Abril 2005)."How Carlo J. created Panday".The Philippine Star. Nakuha noong6 Pebrero 2019.{{cite news}}:Italic or bold markup not allowed in:|newspaper= ()
  2. Editors (1 April 1998)."Introduction: What is a Bolide?".Woodshole.er.usgs.gov (sa Ingles). US Geological Survey, Woods Hole Field Center. Nakuha noong16 Setyembre 2011.{{cite web}}:|last= has generic name ()
  3. Meteoritical Bulletin Database. Lpi.usra.edu. Hinango noong 27 Agosto 2018 (sa Ingles).
  4. Meteoritical Bulletin Database. Lpi.usra.edu (1 Enero 2011). Hinango noong 27 Agosto 2018.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Taeng-bituin&oldid=2195742"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp