Angdomain na.eu ay ginagamit, at nahihiram din ng ibang kasaping-bansa saUnyong Europeo. Ang domain na.nu ay ginagamit din (Nangangahulugang "ngayon" ang "nu" sa Suweko).
AngSuwesya, o"Sverige",[10] ibig sabihin ay opisyal naKaharian ng Suwesya (Swedish:Konungariket Sverige) ay isangbansang Nordiko saIskandinabiya, sa HilagangEuropa. Ito ay napalilibutan ngNoruwega, sa kanluran,Pinlandiya sa hilagang silangan, ngKipot ng Skagerrak atKipot ng Kattegat sa timog kanluran at ngDagat Baltiko at look ng Botnia sa silangan. Ang Suwesya ay may mababang densidad ng populasyon sa lahat ng kaniyang mga metropolitanong area.
Karaniwang itinuturing na ang pangalan ng Sweden ay nagmula saProto-Indo-European na ugat na*s(w)e, na nangangahulugang 'sarili', na tumutukoy sa sariling tribo noong panahong tribo pa ang lipunan.[11][12][13] Ang katutubong pangalang Suweko,Sverige (isang tambalan ng mga salitangSvea atrike, na unang naitala sa kaugnay na anyo naSwēorice saBeowulf),[14] ay nangangahulugang "kaharian ng mgaSwede", na hindi isinama ang mgaGeats saGötaland.
Sa wikang Suweko, tinatawag ng mga taga-Sweden ang kanilang bansa na "Sverige" o "Sverge", ibig sabihin ay "kaharian ng mga Suweko." o "Kaharian ng Suwesya"[15][10]
Ang makabagong anyo nito sa Ingles ay hinango noong ika-17 siglo mula saMiddle Dutch atGitang baba ng Alemanya. Noon pang 1287, may mga sangguniang makikita sa Middle Dutch na tumutukoy sa isanglande van sweden ("lupain ng [mga] Swede"), na mayswede bilang anyong isahan.[16] SaOld English, ang bansa ay kilala bilangSwéoland oSwíoríce, at saEarly Modern English bilangSwedeland.[17] Ilangwikang Finnic, tulad ngFinnish atEstonian, ay gumagamit ng mga katawagangRuotsi atRootsi; ang mga anyong ito ay tumutukoy sa mgaRus' na nanirahan sa mga baybaying lugar ngRoslagen saUppland at nagbigay ng kanilang pangalan sa Russia.[18]
Isang magaspang na mapa ng saklaw ng pamumuno ng Sweden,c. 1280
Ang aktuwal na edad ng kaharian ng Sweden o Suwesya ay hindi alam.[19] Ang pagtukoy sa edad nito ay nakadepende kung ituturing ang Sweden bilang isang bansa noong angSvear (mga Suweko) ay namuno sa Svealand o noong angSvear at angGötar (mga Geat) ng Götaland ay pinag-isa sa ilalim ng iisang pinuno. Sa unang kaso, unang nabanggit ang Svealand na may iisang pinuno noong taong 98 ni Tacitus, ngunit halos imposibleng malaman kung gaano na ito katagal noon. Inilalarawan ng epikong tulangBeowulf ang kalahating alamat namga digmaan ng Suweko at Geat noong ika-6 na siglo.
Gayunpaman, karaniwang sinisimulan ng mga historyador ang tala ngmga monarko ng Sweden mula nang ang Svealand at Götaland ay napailalim sa parehong hari, na sinaErik the Victorious at ang kaniyang anak na siOlof Skötkonung noong ika-10 siglo. Madalas tawagingpagkakaisa ng Sweden ang mga pangyayaring ito, kahit na maraming lugar ang nasakop at isinama kalaunan. Sa kontekstong ito, ang "Götaland" ay pangunahing tumutukoy sa mga lalawigan ngÖstergötland atVästergötland. AngSmåland ay halos walang interes noon dahil sa malalalim nitong kagubatan ng pino, at tanging ang lungsod ngKalmar at ang kastilyo nito ang may malaking kahalagahan. Mayroon ding mga pamayanang Suweko sa kahabaan ng timog na baybayin ngNorrland, isa sa apat nalupaing rehiyon ng Sweden.[20]
SiSan Ansgar ay tradisyonal na kinikilala bilang nagpakilala ng Kristiyanismo sa Sweden noong 829, ngunit hindi lubusang napalitan angpaganismo ng bagong relihiyon hanggang ika-12 siglo. Noong panahong iyon, dumaranas ang Sweden ng tunggaliang dinastiko sa pagitan ng mga angkan ngEric atSverker. Nagtapos ang tunggalian nang mag-asawa ang ikatlong angkan sa angkan ng Eric, na bumuo ng dinastiyangBjälbo, na unti-unting nagpanday sa mas matatag na estado ng Sweden. Ayon saAlamat niSaint Erik at saErik's Chronicle, nagsagawa ang mga haring Suweko ngsunod-sunod na Krusada laban sa paganong Finland at nagsimula ng tunggalian saRus', na noon ay wala nang kaugnayan sa Sweden.[21] Bunga ng mga Krusada, lalo na ng Ikalawang Krusadang Suweko na pinamunuan niBirger Jarl[22] unti-unting napabilang ang Finland sa kaharian ng Sweden at sa saklaw ng impluwensya ngSimbahang Katolika.[23] Nagtayo ang mga Suweko ng mga kuta saTavastland atÅbo, habang nagtayo ng konsehong maharlika ang hari, bumuo ng estrukturang administratibo at sistema ng buwis, at isinulat ang mga kodigo ng batas sa panahon ng paghahari ninaMagnus Ladulås (1275–1290) atMagnus Eriksson (1319–1364).[24] Dahil dito, ganap na naisama ang mga lupaing Suomi o Pinland sa kaharian ng Sweden.[25]
Emperyo ng mga Sverge (The Empire of Sweden) ay umangat ang Sweden bilang makapangyarihang bansa sa kontinente noong pamumuno ni haringGustavus Adolphus, nang makuha nito ang mga teritoryo mula saRussia atPolish–Lithuanian Commonwealth sa iba’t ibang digmaan.[26] Sa Panahong Tatlumpung Taon ng Digmaan, nasakop ng Sweden ang halos kalahati ng mga estado ng Banal na Imperyo Romano at natalo ang hukbo ng Imperyo saLabanan sa Breitenfeld noong 1631.[27] Plano ni Gustavus Adolphus na maging bagongBanal na Emperador Romano, na mamumuno sa isang nagkakaisang Scandinavia at mga estado ng Banal na Imperyo, ngunit siya’y napatay saLabanan sa Lützen noong 1632. Pagkatapos ngLabanan sa Nördlingen noong 1634, ang tanging malaking pagkatalo ng Sweden sa digmaan, humina ang simpatya ng mga Aleman para sa Sweden.[27] Unti-unting humiwalay ang mga lalawigang Aleman mula sa kapangyarihan ng Sweden, iniwan lamang ito ng ilang hilagang teritoryo gaya ngSwedish Pomerania,Bremen-Verden atWismar. Mula 1643 hanggang 1645, nakipagdigma ang Sweden saDenmark-Norway saDigmaang Torstenson. Ang kinalabasan ng labang ito at ang pagtatapos ng Tatlumpung Taon ng Digmaan ang nagpatibay sa Sweden bilang makapangyarihang bansa sa Europa.[27] Sa pamamagitan ngKapayapaan sa Westphalia noong 1648, nakakuha ang Sweden ng mga teritoryo sa hilagang Alemanya.
Noong kalagitnaan ng ika-17 siglo, ang Sweden ang ikatlong pinakamalaking bansa sa Europa batay sa lawak ng lupa. Naabot nito ang pinakamalawak na teritoryo sa ilalim ng pamumuno niCharles X matapos angkasunduan sa Roskilde noong 1658, matapos angpagdaan niya sa mga Belt ng Denmark.[28][29] Ang pundasyon ng tagumpay ng Sweden noong panahong ito ay iniuugnay sa malalaking pagbabago saEkonomiya ng Sweden na pinasimulan ni Gustav I noong ika-16 siglo, at sa pagpapakilala niya ngProtestantismo.[30] Isang-katlo ng populasyon ng Finland ang namatay sa mapaminsalangDakilang Taggutom ng 1695–1697.[31] Tinamaan din ng taggutom ang Sweden, na pumatay sa humigit-kumulang 10% ng populasyon nito.[32]
Noong ika-17 siglo, sangkot ang Sweden sa maraming digmaan, tulad ng laban sa Poland–Lithuania, kung saan parehong nag-agawan sa mga teritoryo ng kasalukuyangBaltic states. Natapos ang Digmaang Polish–Suweko (1626–1629) sa isang tigil-putukan saStary Targ (Kasunduan sa Altmark) noong 26 Setyembre 1629 na pumabor sa mga Suweko, kung saan isinanib ng Poland ang malaking bahagi ngLivonia kasama ang mahalagang pantalan ngRiga. Nakakuha rin ng karapatan ang mga Suweko na buwisan ang kalakalan ng Poland sa Baltic (3.5% sa halaga ng mga kalakal), at napanatili ang kontrol sa maraming lungsod sa Royal atDucal Prussia (kabilang ang Piława (Pillau),Memel atElbląg (Elbing)). Paglaon ay nagsagawa ang mga Suweko ng serye ng pananakop sa Polish–Lithuanian Commonwealth, na kilala bilangDeluge.[33] Pagkatapos ng higit kalahating siglo ng halos tuloy-tuloy na digmaan, bumagsak ang ekonomiya ng Sweden. Naging habambuhay na tungkulin ni anak ni Charles X,Charles XI, na muling buuin ang ekonomiya at ihanda ang hukbo.[34] Ang kanyang pamana sa anak na susunod na hari ng Sweden,Charles XII, ay isa sa pinakamahuhusay na arsenal sa buong mundo, isang malaking nakatayong hukbo at isang dakilang hukbong dagat.[35] Ang Rusya, ang pinakamalaking banta sa Sweden sa panahong ito, ay may mas malaking hukbo ngunit malayong nahuhuli sa kagamitan at pagsasanay.[36]
↑Note thatSwedish-speaking Finns or other Swedish-speakers born outside Sweden might self-identify asSwedish despite being born abroad. Moreover, people born within Sweden may not be ethnic Swedes.
↑Friesen (von), O. (1915).Verdandis småskrifter (Verdandis Pamphlets) blg. 200.
↑Hellquist, Elof (1922).Svensk etymologisk ordbok [Diksiyonaryong etimolohikal ng wikang Suweko] (sa wikang Suweko). Gleerup. p. 915.
↑Hellquist, Elof (1922).Svensk etymologisk ordbok [Diksiyonaryong etimolohikal ng wikang Suweko] (sa wikang Suweko). Gleerup. p. 917.Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2011. Nakuha noong30 Agosto 2011.
↑Hadenius, Stig; Nilsson, Torbjörn; Åselius, Gunnar (1996).Sveriges historia: vad varje svensk bör veta [Kasaysayan ng Sweden: kung ano ang dapat malaman ng bawat Suweko] (sa wikang Suweko). Bonnier Alba.ISBN978-91-34-51784-4.
↑Peterson, Gary Dean (2014).Warrior Kings of Sweden: The Rise of an Empire in the Sixteenth and Seventeenth Centuries (sa wikang Ingles). McFarland.ISBN978-1-4766-0411-4.
↑Bagge, Sverre (2005). "The Scandinavian Kingdoms". Mula sa McKitterick, Rosamond (pat.).The New Cambridge Medieval History. Cambridge University Press. p. 724.ISBN978-0-521-36289-4.Ang pagpapalawak ng Sweden sa Finland ay nagdulot ng tunggalian sa Rus', na pansamantalang natapos sa pamamagitan ng isang kasunduan sa kapayapaan noong 1323, na naghati sa Karelian peninsula at mga hilagang lugar sa pagitan ng dalawang bansa.
↑Tarkiainen, Kari (2010).Ruotsin itämaa. Helsinki: Svenska litteratursällskapet i Finland. pp. 104–147.ISBN978-951-583-212-2.
↑Tarkiainen, Kari (2010).Ruotsin itämaa. Porvoo: Svenska litteratursällskapet i Finland. pp. 167–170.ISBN978-951-583-212-2.
↑"A Political and Social History of Modern Europe V.1./Hayes..." Hayes, Carlton J. H. (1882–1964),Title: A Political and Social History of Modern Europe V.1., 2002-12-08, Project Gutenberg, webpage:Infomot-7hsr110.Naka-arkibo 17 November 2007 saWayback Machine.