Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Surah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saSura)
AngAl-Fatiha, ang unang Surah ng Quran na naihayag sa kanyang kabuuan.

Angsurah (/ˈsʊərə/;[1]Arabo:سُورَة,romanisado: sūrah, pl.Arabo:سور,romanisado: suwar) ay isang kabanata ngQuran. Mayroong 114surah sa Quran, na nahahati sa mgaayah (talata).[2] Hindi magkatumbas ang haba ng mga kabanata osurah; ang pinakamaikling kabanata (Al-Kawthar) ay mayroon lamang tatlong talata habang ang pinakmahaba (Al-Baqara) ay naglalaman ng 286 talata.[3] Sa 114 kabanata sa Quran, 86 sa mga ito ang inuuri bilang Makkan habang ang Madani naman ang 28.[2] Tinaya lamang ang pag-uuring ito patungkol sa lokasyon ng pahayag; inihahayag ng anumang kabanata pagkatapos ng paglipat niMuhammad sa Medina (Hijrah) ay tinatawag na Madani at kahit anong pahayag na nangyari bago siya lumipat ay tinatawag na Makkan. Pangkalahatang tinatalakay ng Mekkan sa pananampalataya at mga eksena saKabilang Buhay habang inaalala naman ng mga kabanatang Madani ang pag-oorganisa ng buhay panlipunan ng lumalagong pamayanang Muslim at pangunahan ang mga Muslim sa layunin ngDar al-Islam sa pamamagitan ng pagpapakita ng lakas tungo sa mga hindi naniniwala. Maliban sasurahAt-Tawba, nagsisimula ang lahat ng kabanata osurah sa "Sa Ngalan ngAllah, Ar-Rahman (Ang Pinakamahabagin), Ar-Rahim (Ang Maawain)". Kilala ang pormula na ito bilagBismillah at ipinapahiwatig ang mga hangganan sa pagitan ng mga kabanata. Nakaayos ang kabanata ng halos magkakasunud-sunod na bumababa ang laki; samakatuwid, hindi kronolohikal o ni tematiko ang pagkakaayos ng Quran. Sinasabi ang mgasurah (kabanta) tuwing sa bahaging nakatayo (Qiyam) sa mgasalat (panalanging Muslim). Sinasabi angsurahAl-Fatiha, ang unang kabanata ng Quran, sa bawat yunit ng panalangin at ilang yunit ng panalangin na kinasasangkutan din ng pagsabi ng lahat o bahagi ng kahit anong ibangsurah.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ginagamit ang salitangsurah noong panahon ni Muhammad bilang isang katawagan na nangangahulugang isangbahagi or isang pangkat ng mga talata ng Quran. Nakikita ito sa pamamagitan paglitaw ng salitangsurah sa maraming dako ng Quran tulad sa talata 24:1: "Ang dakilang kabanatang (surah) ito ng Kabanal-banalan na Qur’ân ay Aming ipinahayag, at ipinag-utos Namin ang pagpapatupad ng batas nito, at ipinahayag Namin kalakip nito ang mga malilinaw na palatandaan; upang makaalaala kayo, O kayong mga mananampalataya."[Quran 24:1] (tingnan rin ang mga kabanata 2:23, 9:64, 86, 124, 127, 10:38, at 47:20). Nabanggit din ito sa anyong maramihan sa Quran: "O sinasabi ba nila na mga walang pananampalataya na mga taga-Makkah:'Katunayan, si Muhammad ay inimbento niya lamang itong Qur’ân?; Sabihin mo sa kanila: 'Kung ang pangyayari ay katulad ng inyong mga inaangkin, samakatuwid ay magpakita kayo ng sampung kabanata (surah) na tulad ng Dakilang Qur’ân na mula sa inyong mga inimbento, at tawagin ninyo ang sinuman na kaya ninyong tawagin mula sa lahat ng nilikha ng Allâh upang tumulong sa inyo sa pagsagawa nito, kung kayo ay totoo sainyong pag-aangkin'."[Quran 11:13]

Noong 1938, iminungkahi ni Arthur Jeffery na hinango ang pangalan mula saSiriakong nasurṭā na nangangahulugang 'sulat'.[4]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Sura".Random House Webster's Unabridged Dictionary (sa Ingles).
  2. 2.02.1"Information about Holy Quran".www.quickjobs.pk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2018-03-24. Nakuha noong2020-10-28.
  3. Muhammad Mustafa Al-A'zami (2003),The History of The Qur'anic Text: From Revelation to Compilation: A Comparative Study with the Old and New Testaments, p.70. UK Islamic Academy.ISBN978-1872531656 (sa Ingles).
  4. Jeffery, Arthur (1938).The foreign vocabulary of the Qur'ān (sa wikang Ingles). Baroda, India: Oriental Institute. p. 182. Nakuha noongHulyo 11, 2019.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Surah&oldid=2084800"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp