AngSuperbook, kilala din bilangAnimated Parent and Child Theatre (アニメ 親子劇場, Anime Oyako Gekijō),[1] ay isang seryeng pantelebisyon naanime noong unang bahagi ng dekada 1980, na unang ginawa ng Tatsunoko Productions sa bansangHapon kasama ang Christian Broadcasting Network (CBN) saEstados Unidos at kamakailan, gumawa ito ng solo ng CBN para sa pamamahagi at pag-ere.[2][3] SaPilipinas, naipalabas ito saGMA Network.
Sinalaysay ng serye ang mga kaganapan saLuma atBagong Tipan ngBiblia sa pagtakbo ng serye sa 52 kabanata. Unang lumabas ang 26 kabanata mula Oktubre 1, 1981 hanggang Marso 25, 1982. Muling bumalik ang serye bilangSuperbook II (パソコントラベル探偵団, Pasokon Toraberu Tanteidan, lit.Personal Computer Travel Detective Team) na may 26 kabanata na umere mula Abril 4, 1983 hanggang Setyembre 26, 1983. Sa pagitan ng parehong serye noong unang pagktabo, nailabas ang kasamang serye naThe Flying House. Gumawa din ang CBN noong 2016 ng bagong serye ngSuperbook at nilabas sa apat naseason.[4] Ipinamahagi ng CBN ang una at ikalawangseason ng libre sa kanilangwebsayt na Superbook Kid.[5]