Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Sungay ng Aprika

Mga koordinado:09°N48°E / 9°N 48°E /9; 48
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sungay ng Aprika
Lokasyon ng Sungay ng Aprika
Mga koordinado:09°N48°E / 9°N 48°E /9; 48
Mga bansa Djibouti
 Eritrea
 Ethiopia
 Somalia
Mga kabiseraDjiboutiDjibouti
EritreaAsmara
EthiopiaAddis Ababa
SomaliaMogadishu
Lawak
 • Kabuuan1,882,857 km2 (726,975 milya kuwadrado)
Populasyon
 • Kabuuan115,000,000
 • Kapal61/km2 (160/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+3
Mga wiki

AngSungay ng Aprika ay isang malakingtangway at rehiyong heopolitikal sa Silangang Aprika.[1] Matatagpuan sa pinakasilangang bahagi ng kalupaangAprika, ito ang ikaapat na pinakamalaking tangway sa mundo. Binubuo ito ngSomalya (kabilang dito angSomalilandiya at Puntlandiya nade-paktong malaya),Hiboti,Etiyopiya, atEritrea.[2][3] Bagama't hindi karaniwan, kasama sa mas malawak na kahulugan ang mga bahagi o lahat ngKenya atSudan.[4][5][6] Nailarawan ito bilang rehiyon na may kahalagahan sa heopolitika at estratehiya, dahil namamalagi ito sa katimugang hangganan ngDagat Pula; umaabot ng daan-daang kilometro patungo saGolpo ng Aden, Dagat-lagusan ng Guardafui, atKaragatang Indiyo, nakikibahagi rin ito ng hangganang-dagat saTangway ng Arabya.[7][8][9][10]

Ito ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 2,000,000 km2 (770,000 sq mi) at pinaninirahan ng halos 115 milyong tao (Etiyopiya: 96.6 milyon, Somalya: 12.3 milyon, Eritrea 6.4 milyon, at Hiboti: 0.81 milyon).

Mga pangalan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kilala ang tangway sa iba't ibang pangalan. Tinukoy ito ng mgaSinaunang Griyego atRomano bilangRegio Aromatica oRegio Cinnamonifora dahil sa mga masamyong halaman na natagpuan doon, o bilangRegio Incognita dahil sa mga teritoryo nito na wala pa sa mapa noon. Sa mga sinauna at medyebal na panahon, tinukoy ang Sungay ng Aprika bilang Bilad al Barbar ("Lupain ng mga Berber").[11][12][4] Kilala rin ito bilang Tangway Somali, o sa wikang Somali, bilangGeeska Afrika oJasiiradda Soomaali.[13] Sa mga ibang lokal na wika, tinatawag itong "Sungay ng Aprika" o "Aprikanong Sungay", የአፍሪካ ቀንድyäafrika qänd sawikang Amhariko, القرن الأفريقيal-qarn al-'afrīqī sawikang Arabe,Gaanfaa Afrikaa sa wikang Oromo, at ቀርኒ ኣፍሪቃq'ärnī afīrīqa sa wikang Tigrinya.[14][15]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Robert Stock,Africa South of the Sahara, Second Edition: A Geographical Interpretation [Aprika sa Timog ng Sahara, Ikalawang Edisyon: Isang Heograpikal na Interpretasyon] (sa wikang Ingles), (The Guilford Press; 2004), pa. 26
  2. "The Horn of Africa - Its Strategic Importance for Europe, the Gulf States, and Beyond" [Ang Sungay ng Aprika - Ang Estratehikong Kahalagahan nito para sa Europa, Mga Estado ng Golpo, at Iba Pa].CIRSD (sa wikang Ingles). Nakuha noong2024-01-22.
  3. "Between Somaliland and Puntland – Rift Valley Institute" [Sa pagitan ng Somalilandiya at Puntlandiya – Rift Valley Institute].riftvalley.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong2024-06-22.
  4. 4.04.1John I. Saeed,Somali – Bolyum 10 ng London Oriental and African language library, (J. Benjamins: 1999), pa. 250.
  5. Sandra Fullerton Joireman,Institutional Change in the Horn of Africa [Institusyonal na Pagbabago sa Sungay ng Aprika] (sa wikang Ingles), (Universal-Publishers: 1997), pa.1: "Sumasaklaw ang Sungay ng Aprika sa mga bansang Etiyopiya, Eritrea, Djibouti, at Somalya. Magkatulad ang mga tao, wika, at mga heograpikal na katangian. (Isinalin mula sa Ingles)"
  6. "Horn of Africa".Encyclopædia Britannica Online. Chicago, Illinois:Encyclopædia Britannica, Inc.Inarkibo mula sa orihinal noong 19 December 2021. Nakuha noong4 April 2022.
  7. "Three important oil trade chokepoints are located around the Arabian Peninsula - U.S. Energy Information Administration (EIA)" [Tatlong mahahalagang chokepoint sa kalakalan ng langis ang matatagpuan sa paligid ng Tangway ng Arabya - Pangangasiwa ng Impormasyon sa Enerhiya ng Amerika (EIA)].www.eia.gov (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2024. Nakuha noong2024-01-22.
  8. "Red Sea chokepoints are critical for international oil and natural gas flows - U.S. Energy Information Administration (EIA)" [Kritikal ang mga chokepoint sa Dagat Pula para sa mga internasyonal na daloy ng langis at natural na gas - Pangangasiwa ng Impormasyon sa Enerhiya ng Amerika (EIA)].www.eia.gov (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2024. Nakuha noong2024-01-22.
  9. "Horn of Africa | Countries, Map, & Facts | Britannica" [Sungay ng Aprika | Mga Bansa, Mapa, & Katotohanan | Britannica].www.britannica.com (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 19 December 2021. Nakuha noong19 December 2021.
  10. "the Chairman of DPFZA and CEO of Red Sea Bunkering signed an investment with Afreximbank | DPFZA" [Chairman ng DPFZA at CEO ng Red Sea Bunkering, pumirma ng pamumuhunan sa Afreximbank | DPFZA].dpfza.gov.dj (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2024. Nakuha noong2024-01-22.
  11. J. D. Fage, Roland Oliver, Roland Anthony Oliver,The Cambridge History of Africa [Ang Kasaysayan ng Aprika ayon sa Cambridge] (sa wikang Ingles), (Cambridge University Press: 1977), pa.190
  12. George Wynn Brereton Huntingford, Agatharchides,The Periplus of the Erythraean Sea: With Some Extracts from Agatharkhidēs "On the Erythraean Sea" [Ang Periplo ng Dagat Eritreyo: May Ilang Dagdag mula sa "Sa Dagat Eritreyo" ni Agatharkhidēs], (Hakluyt Society: 1980), pa.83
  13. Ciise, Jaamac Cumar. Taariikhdii daraawiishta iyo Sayid Maxamad Cabdille Xasan, 1895–1920. JC Ciise, 2005.
  14. Teklehaimanot, Hailay Kidu. A Mobile Based Tigrigna Language Learning Tool [Isang De-mobile na Panturo ng Wikang Tigrigna] (sa wikang Ingles). International Journal of Interactive Mobile Technologies (iJIM) 9.2 (2015): 50–53.
  15. Schmidt, Johannes Dragsbaek; Kimathi, Leah; Owiso, Michael Omondi (13 Mayo 2019).Refugees and Forced Migration in the Horn and Eastern Africa: Trends, Challenges and Opportunities [Mga Takas at Sapilitang Migrasyon sa Sungay at Silangang Aprika: Mga Uso, Hamon at Oportunidad] (sa wikang Ingles). Springer.ISBN 978-3-030-03721-5.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Sungay_ng_Aprika&oldid=2128315"
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp