Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Stop motion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang modelongluwad ng manok, nakadisenyo upang gamitin sa tigil kibo na animasyon

Angstop motion (kilala din sa tawag nastop frame) ay isang kapamaraanganimasyon na pisikal na tinatanggal ang isang bagay na parang gumagalaw ito sa kanyang sarili.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang stop motion ay mayroong mahabang kasaysayan sapelikula. Ito ay kadalasang ginagamit upang magpakita ng mga bagay na tila napapakilos sa pamamagitan ng salamangka. Ang unang pagkakataon ng stop motion na kapamaraanan ng animasyon ay maaring ibigay kredito kay Albert E. Smit at J. Stuart Blackton para saThe Humpty Dumpty Circus (1898) ng Vitagraph, kung saan ang isang laruang sirko ng mga akrobato at hayop ay nabigyang buhay. Noong 1902, ang pelikulangFun in a Bakery Shop ay gumamit ngstop trick na kapamaraanan salightning sculpting. AngPranses na si Georges Melies, na bihasa sa pelikulang maytrick, ay minsang gumamit ng stop motion na animasyon upang lumikha ng gumagalaw na tarhetang pamagat sa isa sa kanyang maiksing pelikula, at ilan sa kanyang mga espesyal na epekto ay nakabatay sa stop motion napotograpiya. Noong 1907, angThe Haunted Hotel ay isang pelikula stop motion ni J.Stuart Blackton, at isang matunog na tagumpay nang ito ay ipinalabas. Si Segundo de Chomon (1871-1929), na mula saEspanya, ay nagpalabas ngEl Hotel Electrico ng taong yaon, at gumamit ng magkahalintulad na kapamaraanan sa pelikula ni Blackton. Noong 1908, angA Sculptor's Welsh Rarebit Nightmare' ay ipinalabas, gayon din angThe Sculptor's Nightmare, isang pelikula ni Billy Blitzer. Si Romeon Bossetti, isangItalyanong taga-buhay, ay pinahanga ang mga tagapanuod sa kanyang kahanga hangang kahusayan sa animasyon ng bagay na angThe Automatic Moving Company 1912. Ang dakilang tagaEuropa na tagapanguna ng stop motion na animasyon na si Wladyslaw Starecwicz (1892-1965) ang nagpabuhay ngThe Beautiful Lukanida (1910),The Battle of the Stag Beetles (1910),The Ant and the Grasshopper (1911).

Isa sa pinakamaagang animasyon ng malagkit na lupa ay ang Modelling Extraordinary, na siyang umakit sa mga tagapanuod noong 1912. Noong Disyembre 1916 ay natunghayan sa pinilakang tabing ang una sa 54 na kabanata ni Willie Hopkins naMiracles in Mud. Noong Disyembre 1916 din ay nagsimulang mag eksperimento sa stop motion animasyon ng malagkit na lupa ang unang babaeng tagabuhay na si Helena Smith Dayton. Ipinalabas niya ang kanyang unang pelikula noong 1917, na isang adaptasyon ngRomeo and Juliet niWilliam Shakespeare.

Sa pagpihit ng siglo, may isa pang kilalang tagabuhay na kilala bilang Willis O' Brien (kilala din ng iba bilang O'bie). Ang kanyang trabaho saThe Lost World (1925) ay kilalang mabuti, ngunit sya ay pinaka hinangaan para sa kanyang trabaho saKing Kong (1933), isang milyahe sa kanyang mga pelikula na ginawang posible sa pamamagitan ng stop motion na animasyon.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Stop_motion&oldid=1488663"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp