| Sriracha | |
|---|---|
Limulidong inihain kasama ng sarsang Sriracha sa bayan ng Si Racha | |
| Kaanghangan | |
| Sukatang Scoville | 1,000–2,500[1] SHU |
Angsriracha (/sɪˈrætʃə/sih-RATCH-ə o/sɪˈrɑːtʃə/sih-RAH-chə;Thai:ศรีราชา,binibigkas [sǐː.rāː.tɕʰāː] (
pakinggan)) ay isang uri nghot sauce ochili sauce na gawa sa masa ngsili,dalisay na suka,bawang, asukal, at asin.[2]
SaThailand, kadalasang ginagamit ang sriracha bilang sawsawan, lalo na para sa mga pagkaing-dagat at torta. Salutuing Biyetnames, makikita ang sriracha bilang pampalasa para saphở atpritong pansit, bilang sahog para salumpiya (chả giò), at sa mga sarsa.[3]
Kinakain din ang sriracha sa sabaw, sa mga itlog at burger. May mga nagawang halaya, lollipop, at cocktail gamit ang sarsa,[4] at nai-market ang mga potato chips na may lasang sriracha.[5]
Unang nilikha ang sarsa ng isang babaeng Thai na pinangalanang Thanom Chakkapak sa bayan ngSi Racha (o Sriracha).[6][7]


Sa Thailand, ang sarsa ay madalas na tinatawag nasot Siracha (Thai:ซอสศรีราชา) at minsannam phrik Siracha (Thai:น้ำพริกศรีราชา). Ang Tradisyonal na srirachang Thai ay waring mas masingid at mas malabnaw kaysa sa mga di-Thai na uri.[7]
Sa isang panayam saBon Appétit magazine, iginiit ng Eastland Food Corporation, isang tagapamahagi ng pagkaing Asyano sa US, na angSriraja Panich, isanghot sauce na tatak-Thai, ay ang orihinal na "sarsang sriracha" at nagawa ito sa Si Racha, Thailand, sa dekada 1930 mula sa resipe ng maybahay na si Thanom Chakkapak.[7]
Sa Estados Unidos, ang sriracha ay nauugnay sa isangsarsang gawa ng Huy Fong Foods[4][8] at minsan tinutukoy bilangrooster sauce ocock sauce (sarsa ng tandang)[9] dahil sa larawan ngtandang sa bote.[10]
May mga ibang uri ng sriracha na lumitaw sa merkado sa US, kabilang dito ang isang sriracha na pinagulang sa bariles ng whisky.[11][12] Ang Sriracha ng Huy Fong Foods ay inilikha noong unang bahagi ng dekada 1980 para sa mga pagkaing inihan sa mga restawrang pang-phở sa Amerika.[8]
Maraming restawran sa Amerika, kagaya ngWendy's,[13]Applebee's,P.F. Chang's,[14]Jack in the Box,McDonald's,Subway,Taco Bell,White Castle,Gordon Biersch,Chick-fil-A,Firehouse Subs,Noodles & Company,Starbucks, atBurger King, ay naglagay ng sriracha sa kani-kanilang mga putahe. Minsan hinahalo nila samayonesa o sa mga sawsawan.[8][15][16][17][18][19] Ang Blue Diamond, isang lider sa paggawa ng produktong almendras, ay nagma-market ng lasang sriracha kasama ng mga ibang lasa nila.[20]
Ang Roland Foods sa New York ay gumagawa ng sarili nilang baryante, Sriracha Chili Sauce, sa loob ng isang kahugis na bote na may dilaw na takip at nagtatampok ng dalawang dragon sa halip ng tandang. Nagsusuri angFrito-Lay ng potato chips na lasang sriracha, at nag-eeksperimento angSubway ngcreamy sriracha sauce para sa mga sanwits. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
Ang mga Thai ay gumagawa rin ng maraming uri ng sarsang [sriracha] ... na waring mas malabnaw at maibubuhos kaysa sa gawa ni Huy Fong. Ang Sriraja Panich ay may kaakit-akit na balanse ng init ng sili, pinong tamis, sigid ng suka, at kaunting bawang. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
Ngunit tulad ng karamihan sa mga nahuhumaling, lubos na tapat si Erskine sarooster sauce na tatak na tinatawag ng ilan (sa Amerika tinatawag din itongcock sauce). (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)