AngSri Lanka (Sinhala:ශ්රී ලංකාව,śrī laṃkāva,Tamil:இலங்கை,ilaṅkai), opisyal naDemokratikong Republikang Sosyalista ng Sri Lanka (Ingles:Democratic Socialist Republic of Sri Lanka,Sinhala:ශ්රී ලංකා ප්රජාතාන්ත්රික සමාජවාදී ජනරජය,Tamil:இலங்கை ஜனநாயக சோசலிசக் குடியரசு)) na datingCeylon bago ang 1972, ay isang tropikal napulong bansa sa may timog-silangang baybayin ngsubkontinenteng Indiyano.
Kilala ang pulo noong lumang panahon bilangSinhale,Lanka,Lankadeepa (Sanskrit para sa "kumikinang na lupain"),Simoundou,Taprobane (mula sa SanskritTāmaraparnī),Serendib (mula sa SanskritSinhala-dweepa), atSelan. Sa panahon ng kolonisasyon, nakilala ang pulo bilangCeylon (mula sa Selon sa salitangPortuges naCeilão), isang pangalan na malimit na gamitin. Ang hugis at kalapitan nito saIndiya ang nagdulot sa pagtukoy ng iba sa pulo bilangLuha ng India.