Ang programangSputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ngUnyong Sobyet noong huling mga taon ngdekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal nasatellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitangRuso na "Спутник". Ang pagsasabi ng salitang ito sa Ruso ay [ˈsputʲnʲɪk] o spoot'-neek, kung saan angspoot ay sinasabi parangboot, ngunit ang kadalasang pagsasabi nito saIngles ay /ˈspʊtnɪk/, / ˈspʌtnɪk/ o sputt'-nick, kung saan angsputt ay sinasabi parangnut.
Dinala saorbit ng mga R-7launch vehicle ang mga Sputnik, na orihinal na inatasan na magdala ng bombang nuklear.
Nagulat angEstados Unidos sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mgasatellite, kasama angExplorer I,Proyektong SCORE,Advanced Research Projects Agency at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ngNASA at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon.Ang lathalaing ito na tungkol saAstronomiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.