AngTimog Aprika, opisyal naRepublika ng Timog Aprika, ay isang bansa na matatagpuan sa katimugang dulo ng kontinente ngAprika. Matatagpuan sa hilaga ang mga bansangNamibia,Botswana atZimbabwe; sa silangan ayMozambique atEswatini; at sa loob nito matatagpuan angLesotho.
Isa sa may pinakamaraming pangkat etniko sa kontinente ng Aprika ang Timog Aprika. Dito ang pinakamaramingEuropeo na nasa Aprika, pinakamaraming populasyon naIndiano, gayon din ang pinakamalaking kumunidad ng halong etnisidad (ng pinaghalong Europeo at Aprikano). Naging malaking bahagi ngkasaysayan atpolitika ng bansang ito ang pakikipaglaban sa lahi at etnisidad sa pagitan ng mga nakakaraming itim at iilang puti. Nagsimulang ipakilala ngNational Party ang patakaran ngapartheid matapos nitong manalo noong eleksiyon ng 1948; bagaman, ang partidong din na iyon sa ilalim ng pamumuno niF.W. de Klerk ang nagsimulang pira-pirasuhin ito noong 1990 pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban ng mga nakararaming itim, gayon din ng maraming puti, halong etnisidad at mga Timog Aprikanong Indiyano.
Ang bansang ito ang isa sa mga bansa sa Aprika na hindi nagkaroon ngkudeta, at regular na malaya at walang kinikilingang halalan na ginaganap noong pang1994. Dahil dito ang bansang ito angmakapangyarihan sa rehiyon at isa sa pinakamatatag at pinaka-liberal nademokrasya sa Aprika. Angekonomiya ng Timog Aprika ang pinakamalaki at masulong sa buong kontinente ngAfrica, kasama ang makabagongimprastraktura na karaniwan sa buong bansa.
Matatagpuan ang Timog Aprika sa pinakatimog na bahagi ng Aprika, na may mahabang baybay-dagat na may habang higit sa 2,500 km (1,553 mi). Sa sukat na 1,219,912 km2 (471,011 sq mi),[2], Ang Timog Aprika ang naging ika-25 pinakamalaking bansa sa daigdig at mahihahambing sa laki ng bansangColombia.