Angsosyalismo ay tumutukoy sa isang sistemangpampulitika atpang-ekonomiya kung saan ang mga ari-arian at ang mga paraan ngproduksyon ay pag-mamay-ari ngpubliko okomunidad at karaniwang kontrolado ngestado o ngpamahalaan.[1] Ito ay nakabatay sa ideya na ang pagmamay-ari ng publiko sa mga mapagkukunan at paraan ng produksyon ay hahantong sa isang higit na pantay na estado nglipunan.[2][3] Sa teoryangMarxismo, angsosyalismo ay ang yugto ng lipunan na transisyonal sa pagitan ngkapitalismo atkomunismo na nakikilala sa pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga kalakal at suweldo ayon sa mga gawaing ginawa.[4]
Maaaring iugat ang teorya ng sosyalismo sa sinaunang panahon ngGriyego noong inilarawan niPlato sa kanyang dayalogo noong 360 B.C, angRepublic, ang isang kolektibong lipunan. Ginamit ni Thomas More noong ika-16 siglo ang mga ideya ni Plato para sa kanyangUtopia na isang haka-hakang isla kung saan ang pera ay inalis at ang mga tao ay naninirahan at nagtatrabaho bilang isang komunidad.[5]
Nagdala ng malawakang pagbabago sa ekonomiya at lipunan saGran Britanya at sa iba pang bahagi ng mundo angRebolusyong Industriyal noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Yumaman ang mga may-ari ng pabrika samantalang ang mgamangagawa ay nabubuhay sa umiigting nakahirapan at nagtatrabaho sa mahabang oras at kalagayan na mahirap at mapanganib.[5]
Lumitaw ang sosyalismo bilang tugon sa lumalawak na sistemang kapitalismo. Nagbigay ito ng alternatibo na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at lilikha ng lipunan kung saan ang mga mamamayan ay may pantay-pantay na mgakarapatan.[5]
Isa sa mga katangian ng sosyalismo ay ang pangako ng pagkakaroon ng isangegalitaryan na lipunan o isang lipunan kung saan ang mga mamamayan ay may pantay-pantay na karapatan. Isa pa ay ang paniniwala na maaaring bumuo ng isang alternatibong sistemang egalitarian na nakabatay sa pagkakaisa at pagtutulungan. Katangian din ng sosyalismo ang paniniwala na maaaring makagawa ng mga makabuluhang pagbabago sa mundo sa pamamagitan ng mga taong may kamalayan.[2]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa
Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.