Son Ye-jin | |
|---|---|
Son noong 2018 | |
| Kapanganakan | Son Eon-jin (1982-01-11)11 Enero 1982 (edad 44) |
| Edukasyon | Surian ng mga Sining ng Seoul - Pelikula |
| Trabaho | Aktres |
| Aktibong taon | 1999–kasalukuyan |
| Ahente | MSTeam Entertainment |
| Asawa | Hyun Bin (k. 2022) |
| Anak | 1 |
| Pangalang Koreano | |
| Hangul | |
| Hanja | |
| Revised Romanization | Son Ye-jin |
| McCune–Reischauer | Son Yejin |
| Pangalan sa kapanganakan | |
| Hangul | |
| Hanja | |
| Revised Romanization | Son Eon-jin |
| McCune–Reischauer | Son Ŏnjin |
SiSon Ye-jin (ipinanganak bilang siSon Eon-jin noong Enero 11, 1982) ay isang Timong Koreanang aktres. Sumikat siya sa mga romantikong pelikula at teleserye tulad ngThe Classic (2003),Summer Scent (2003),A Moment to Remember (2004), atApril Snow (2005). Nakilala siya dahil sa kanyang bersatilidad sa mga iba't ibang genre, kapansin-pansin saAlone in Love (2006),My Wife Got Married (2008),The Pirates (2014) at ang mga pelikula noong 2016,The Truth Beneath atThe Last Princess.[2] Kilala rin siya para kanyang mga pangunahing papel sa mga romansang drama tulad ngSomething in the Rain (2018) atCrash Landing on You (2019–2020).
Si Son Ye-jin ay naging boses niJung Mi-jo saSecret Tears, isang pelikula ni Park Ki-hyung noong 2000, at pagkatapos ay gumanap sa pangunahing papel sa mga drama sa telebisyon tulad ngDelicious Proposal,[3]Sun-hee and Jin-hee,[4] atGreat Ambition.[5] Ang kanyang unang kapuna-punang papel sa sine ay saChi-hwa-seon niIm Kwon-taek, na inilabas saCannes at ipinagkaloob ng gantimpalangBest Director noong 2002.[6][7]
Ang pinakamalaking tagumpay ng kanyang maagang karera ay sa mga kasunod na pelikulaLovers' Concerto atThe Classic.[8][9] Katamtaman ang pagpatok ng dalawa sa Korea, at angThe Classic na partikular — na isang akda niKwak Jae-yong, direktor ngMy Sassy Girl — ay lubhang nalantad sa mga rehiyon tulad ng Hong Kong at kalupaang Tsina at inilunsad si Son sa pagsisikat sa Silangang Asya.[10] Pinatibay pa lalo ni Son ang kanyang estado bilangHallyu star sa pagtanggap ng pangunahing papel saSummer Scent, isang dramang pantelebisyon na naging ikatlong pagtatalaga ngEndless Love, isang tetralohiya batay sa mga kapanahunan ng taon sa direksyon ni Yoon Seok-ho.[11]
Pumatok din ang kanyang dalawang susunod na pelikula sa Silangang Asya: angA Moment to Remember,[12][13] batay sa isang sikat na seryeng Hapones, ay nakapagtatag ng mga rekord sa takilya sa Hapon at nakapagbenta ng higit sa dalawang milyong tiket sa Korea,[14][15] at pumatok din angApril Snow, na pinagbidahan niya kasama nisuperstarBae Yong-joon[16] sa Hapon at Tsina.[17] Binansagan si Son, na nagpakita ng dalisay at inosenteng imahe sa kanyang mga pelikulangThe Classic atA Moment to Remember, ng "Unang Pag-ibig ng Bansa" sa Korea.[18]
Noong 2006, siya ang naging pinakamataas na binabayarang Koreanang aktres sa Koreanovela noong nagarantiyahan siya ng upang pantalento ng KRW 50 milyon (saka insentibo) sa bawat episodyo para sa kanyang pangunahing papel sa drama ng SBS,Alone in Love (Koreano:연애시대; RR: Yeon-ae Sidae; lit. "Henerasyon ng Pag-ibig").[19]

Noong Enero 1, 2021, nakumpirma na si Son at ang aktor na si Hyun Bin ay may relasyon, si Hyun Bin ay ang kanyangco-star saThe Negotiation (2018) atCrash Landing on You (2019–2020).[20] Noong Pebrero 10, 2022 inihayag nina Son at Hyun Bin ang kanilang plano na magpakasal sa pamamagitan ng pag-post ng isinulat nilang liham sa kanilang kanya-kanyang sosyal media account.[21] Ikinasal sila sa isang pribadong seremonya noong Marso 31, na dinaluhan ng kanilang mga magulang at mga kaibigan.[22]
Noong Hunyo 27, inihayag ni Son na buntis siya sa kanilang unang anak,[23] at nanganak siya ng isang lalaki noong Nobyembre 27, 2022.[24][25]
Noong Pebrero 27, 2020, nag-donate si Son ng ₩100 milyon saCommunity Chest ng Korea saDaegu (ang bayan ni Son) para makatulong na labanan ang pagkalat ng COVID-19.[26]
Noong Marso 8, 2022, nag-donate sina Son at Hyun Bin ng ₩200 milyon saHope Bridge Disaster Relief Association para tulungan ang mga naapektuhan ng napakalaking wildfire na nagsimula sa Uljin, Gyeongbuk at kumalat sa Samcheok, Gangwon.[27]
| Taon | Pamagat sa Ingles | Orihinal na pamagat | Papel | Sang. |
|---|---|---|---|---|
| 2000 | Secret Tears | 비밀 | ||
| 2002 | Chi-hwa-seon | 취화선 | So-woon | [6] |
| Lover's Concerto | 연애소설 | Shim Soo-in/Gyung-hee | [8] | |
| 2003 | The Classic | 클래식 | Ji-hye/Joo-hee | [9] |
| First Love Rally | 첫사랑 사수 궐기대회 | Ju Il-mae | [28] | |
| 2004 | A Moment to Remember | 내 머리 속의 지우개 | Kim Su-jin | [12] |
| 2005 | April Snow | 외출 | Seo-young | [16] |
| The Art of Seduction | 작업의 정석 | Han Ji-won | [29] | |
| 2007 | Yobi, the Five Tailed Fox | 천년여우 여우비 | Yobi (boses) | [30] |
| 2008 | Open City | 무방비 도시 | Baek Jang-mi | [31] |
| My Wife Got Married | 아내가 결혼했다 | Joo In-ah | [32] | |
| 2009 | White Night | 백야행: 하얀 어둠 속을 걷다 | Yoo Mi-ho/Lee Ji-ah | [33] |
| 2011 | Spellbound | 오싹한 연애 | Kang Yeo-ri | [34] |
| 2012 | The Tower | 타워 | Seo Yoon-hee | [35] |
| 2013 | Blood and Ties | 공범 | Jung Da-eun | [36] |
| 2014 | The Pirates | 해적: 바다로 간 산적 | Yeo-wol | [37] |
| 2015 | Bad Guys Always Die | 나쁜놈은 반드시 죽는다 | Ji-yeon | [38] |
| 2016 | The Truth Beneath | 비밀은 없다 | Kim Yeon-hong | [39] |
| The Last Princess | 덕혜옹주 | Prinsesa Deokhye | [40] | |
| 2018 | Be with You | 지금 만나러 갑니다 | Soo-ah | [41] |
| The Negotiation | 협상 | Ha Chae-yoon | [42] | |
| Taon | Pamagat sa Ingles | Orihinal na pamagat | Papel | Kalambatan | Sang. |
|---|---|---|---|---|---|
| 2001 | Delicious Proposal | 맛있는 청혼 | Jang Hee-ae | MBC | [43] |
| Sun-hee and Jin-hee | 선희 진희 | Shim Sun-hee | [4] | ||
| 2002 | Great Ambition | 대망 | Choi Dong-hee | SBS | [5] |
| 2003 | Summer Scent | 여름향기 | Shim Hye-won | KBS2 | [11] |
| 2006 | Alone in Love | 연애시대 | Yoo Eun-ho | SBS | [44] |
| 2008 | Spotlight | 스포트라이트 | Seo Woo-jin | MBC | [45] |
| 2010 | Personal Taste | 개인의 취향 | Park Kae-in | ||
| 2011 | Secret Garden | 시크릿 가든 | Kanyang sarili (kameo, ika-20 episodyo) | SBS | [46] |
| 2013 | Don't Look Back: The Legend of Orpheus | 상어 | Jo Hae-woo | KBS2 | |
| 2018 | Something in the Rain | 밥 잘 사주는 예쁜 누나 | Yoon Jin-ah | JTBC | [47] |
| 2019-2020 | Crash Landing on You | 사랑의 불시착 | Yoon Se-ri | tvN | [48] |
{{cite web}}:Check date values in:|archive-date= ()<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangart); $2<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangopen); $2<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangmarried); $2<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangspotlight); $2<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangcrash); $2