Isang tao na gumagamit ng modernong smartwatch.Wear OS smartwatch.
Angsmartwatch ay isang nasusuot nakompyuter sa anyo ng isangrelo. Kadalasang may isangtouchscreen ang mga modernong smartwatch, habang mayroon naman itong isang kasamangapp para sa pagaayos ng mga setting nito.
Habang ang mga naunang modelo ng smartwatch ay mayroon lamang na kaunting gamit katulad ng simpleng pagkalkula at pagpapakita ng oras, ang mga modernong smartwatch ay mas nahahalintulad na sa mga gawain ngsmartphone. Maaari na magingportable media player ang isang smartwatch; bukod dito, marami ding mga gawaing nauugnay sa fitness at kalusugan.[1] May ilang smartwatch na kayang tumawag; paminsan-minsang tawag sa mga ito aywatch phone.[2]
Simula noong 2010s, naging sikat ang pagsuot at paggamit ng mga smartwatch.[3] Kadalasang ginagamit ang mga smartwatch bilangfitness tracker at pangtingin sa kalusugan.[4]
Nangunguna angApple sa merkado ng smartwatch, habang sinusundan naman ito ngSamsung, Imoo, Fitbit, Amazfit,Huawei, Fossil, at Garmin.[5]