AngEslobakya (Eslobako:Slovensko), opisyal naRepublikang Eslobako, ay bansang walang pampang saGitnang Europa. Hinahanggan ito ngPolonya sa hilaga,Ukranya sa silangan,Tsekya sa hilagang-kanluran,Hungriya sa timog, atAustria sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 49,035 km2 at may populasyon na higit 5.4 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayBratislava.
Namalagi at nanahanan ang mga unang mamamayan sa teritoryo ng Eslobakya mga isangdaang taon na ang nakalilipas, noong mga KapanahunangPaleolitiko. Isang katibayan nito ang natagpuang hubog ng ulo ng isangTaong Neanderthal saGánovce malapit saPoprad. Natagpuan sa Eslobakya ang pinakamatandang laruang-kariton ng isang bata. Nagmula ang laruang ginawa noongPanahon ng Tanso at nahukay mula sa isang libingan saNižná Myšľa malapit saKošice. Marami pang ibang mga bagay na may kaugnayan saarkeolohiyang nahukay sa Eslobakya na maiuugnay sa kalinangan ng mga mamamayangOtomano, noong mga 1,600 BC.[1]
Sumali ang Eslobakya saNATO noong 29 Marso 2004, at saUnyong Europeo noong 1 Mayo 2004. Nagkaroon ng mga eleksiyon sa pagkapangulo noong 3 Abril 2004 at 17 Abril 2004.
Angpinuno ng estado ng Eslobakya ay ang pangulo, na hinahalal sa pamamagitan ng direktong botong popular para sa isang mandato ng 5 taon. Karamihan sa kapangyarihangehekutibo ay nakasalalay sapinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalakingkoalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sagabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.
Ang pinakamataas na katawangtagapagbatas ay ang unikameral naSangguniang Pambansa ng Republikang Eslobako (Národná rada Slovenskej republiky), na may 150 kinatawan. Hinahalal ang mga delegado sa mandato ng 4 taon base sarepresentasyong proporsyonal. Ang pinakamataas na katawanghudisyal ay ang Hukumang Konstitusyonal (Ústavný súd), na nasusunod sa lahat ng mga isyungkonstitusyonal. Ang 13 na kasapi ng hukumang ito ay itinatakda ng pangulo mula sa isang tala ng mga kandidatong hinihirang ng parlamento.
Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Eslobakya sa 8kraj (kondado), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod. Sa dibisyong panterritoryo naman at sa definisyon ng nagsasarilingentities, mula 2002, nahahati ang Eslobakya sa 8 vyšší územný celok oVÚC na tinatawag nasamosprávny kraj (rehyong awtonomo):