Angsinuso (literal na "pinag-anyongsuso"; Ingles:spiral), tinatawag dingpapilipit,paikot,pilipit,anyong-suso,paikid,ikid, olikaw ay isang natatanging kurba, liko, o pagbaluktot sa larangan ngmatematika. Nagsisimula ang pagkurbang ito mula sa isang pangunahing tuldok o lugar, na sumusulong na papalayo habang umiikot o umiinog sapaligid ng isangpunto o tuldok. Samakatuwid, matapos na magsimula sa isang lugar, pumapalibot o pumapaikot ito sa lugar na iyon, subalit palayo nang palayo mula sa lugar na iyon. Kaiba ito mula sa isangbilog, na palaging nasa katulad na layo o distansiya. Kaiba rin ito mula sa isangtambilugan. Ang isang hugis na sinuso ay isang "bukas" na kurba, hindi katulad ng mga bilog at ng mga tambilugan na tinatawag na mga nakasarang kurba.