AngSingapura (pagbigkas: sí•nga•púra), na may opisyal na pangalangRepublika ng Singapura ay isang pulo,lungsod-estado, na matatagpuan saTimog-silangang Asya, sa timog ng estado ngJohor sa tangway ngMalaysia at hilaga ng kapuluangRiau ngIndonesia.
Ang pulo ay dating tinatawag naTemasek at bininyagan ni Lakan Parameswara sa pangalangSingapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ngleon (singa)” noongika-16 siglo.
Noong 1819, napunta sa kontrol niThomas Stamford Raffles ang lungsod upang hadlangan ang dominasyong pangkalakalan(commercial) ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng Singapura,Malaka atPenang.
Pagkatapos ng digmaan, napiling punong ministro siLee Kuan Yew. Ang kanyang partido naPeople's Action Party ay nagmungkahi para sa integrasyon nito sa kalipunan ngMalaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong 9 Agosto 1965 pinahayag angkasarinlan ng Republika ng Singapura.
Ang parlamentarismong Ingles ang nagbigay-diwa sa saligang-batas ng Singapura. AngPeople's Action Party (Partido ng Kilusang Popular) ang nangingibabaw sa politika ng bansa pagkaraan ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng pamahalaan ay mas hawig sa awtoritarianismo kaysa sa isang demokrasyang pangmaramihang-partido.
Subalit, sa kabaligtaran, masasabing isang modelo ng transparency ang ekonomiyang pamilihan ng Singapura at halos walang katiwalian na nangyayari sa pamahalaan. Ang Singapura ay isang miyembro ngASEAN.
Ang Singapura ay nagtataglay ng isangekonomiyang pamilihan na malaya at masagana at may open environment malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at angGDP nito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-luwas, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.
Noong 2001, ang pag-urong sa buong daigdig pati ang pagbagsak ng sektor ng teklonohiya ay nakaapekto sa ekonomiya ng bansa (ang GDP nito ay bumaba ng 2%). Ang epidemya ngSARS na nagsimula noong 2003 ay nakapagpabigat din dito. Maliit lang ang bansang ito at limitado ang yamang likas. Subalit ang mga pinuno ay napakahusay na nag-tuon ng kanilang pansin sa kalakalan at masiglang nakikipag-ugnayan sa mga bansang mauunlad, Bumuo ng patakarang kapakipakinabangan isinaalang-alang ang kapakinabangan ng bansa na pinag-tuonan ng pansin ng pamahalaan.
↑"Singapore: History". Asian Studies Network Information Center. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-03-23. Nakuha noong2007-11-02.
↑"Population - latest data". Singapore Department of Statistics Singapore. 2008-10-17. Inarkibo mula saorihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong2008-10-17.