Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot saDagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot saDagat Itim.
Ayon sa alamat, ang lungsod ngRoma ay itinatag ng dalawang kambal na sinaRomulus atRemus. ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga sanggol pa at iniwan malapit saIlog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng Roma pero nag-away sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman siRemus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.
Naging kaharian ang Roma, pero ang huling hari ng Roma, siTarquin na Nakapagmamalaki, ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at namuno ang mga senador pero namuno siJulius Caesar sa lahat at sinakop niya ang karamihan ngGitnang Europa. Pinatay siya noong 44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong namuno na silaLepido,Octavio at siMark Anthony pero nag-away silang lahat para sa pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin niya sila Mark Anthony at siCleopatra saDigmaan sa Actium noong 31 BC at kinuha niya ang panglangAugustus Caesar at siya ang naging unang Emperador ng Imperyo ng Roma.
Sinakop ng mgaVandal ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD pero ang Silangang Imperyo Romano o angImperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mgaTurkong Ottoman sa pamumuno niMehmed II noong 1453 AD.
Ang mga patrisyano angaristokrasya ng Sinaunang Roma, na umaangkin sa lahat ng mga pribilehiyo at mga kapangyarihang panglipunan. Sumunod sa kanila ang mga plebyano, na ipinanganak bilang malalayang mga mamamayan ngunit may iilang mga kapangyarihan. Kasunod nito ang mga pinalayang tao, o dating mga alipin na may bahagyang kalayaan kaysa mga plebyano. Nasa pinakailalim ng antas ang mga alipin, na may iilang uri ng anumang mga karapatan.[1]
Ang buhay sa Sinaunang Roma ay umiikot sa lungsod ngRoma, na nasa pitong burol. Maraming mga gusali at monumento na makikita dito tulad ng Colesseom,Forum of Trajan at ang Pantheon. Marami ding mga inuming fountain na may tubig galing sa mga aquadukto; mayroon ding mga teatro, gymnasio, paliguan at mga silid-aklatan na may mga tindahan at mga kanal.
↑1.01.1Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who were the Plebeians?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., may paglalarawan ng apat na kaantasan o uri sa lipunan ng Sinaunang Roma, pahina 17.