Sa payak na kahulugan nito, angkabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.[1] Matuturing natin na sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lámang ng isangtribo.
Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig saagrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ngtransportasyon,pagsusulat, pamantayan ng pagsusukat, pati napananalapi, pormal na sistema ngbatas, magiting na estilo ngsining, mabantayog na arkitektura,matematika, sopistikadongmetalurhiya, atastronomiya.
Nagmula ang salitangcivilization saLatin nacivis na may ibig sabihing "isang taong naninirahan sa isangbayan". Sa Tagalog, nagmula ang salitang kabihasnan sa salitang-ugat na "bihasâ" (skilled sa Ingles) na kasingkahulugan ng "sanay" at "batak".
Ang unang ibig sabihin nito ay paninirahan sa isang lugar.Kadalasang ginagamit ang kabihasnan bilang kasingkahulugan ng mas malawak na salitang "kultura" o "kalinangan", kapwa sa mga samahang tanyag at pang-akademya.[2] Lumalahok ang bawat isang tao sa isang kalinangan, na may ibig sabihing "ang mga sining, mga gawi, mga nakasanayan... mga paniniwala, mga pagpapahalaga, ugali, at nakagawiang mga materyal na binubuo ng paraan ng pamumuhay ng mga tao".[3] Subalit, sa pinakamalawak nitong kahulugan, isang mapaglarawang salita ang sibilisasyon para sa nakahinlog na masalimuot na kulturang agrikultural at urbano. Maipagkakaiba ang kabihasnan mula sa iba pang mga kalinangan sa pamamagitan ng kanilang mataas na kasalimuotang panglipunan at organisasyon, at sa pamamagitan ng kanilang samu't saring mga gawaing pangkabuhayan at pangkalinangan.
Sa mas matanda ngunit palagi pa ring ginagamit na diwa, maaaring gamitin ang "kabihasnan" sa pagtatakda rin ng pamayanan: sa mga kontekstong panglipunan, kung saan inaakalang mas nakaaangat ang isang masalimuot at urbanong mga kultura mula sa iba pang mga "barbaro" o "primitibong" mga kalinangan, ginagamit ang konsepto ng "sibilisasyon" bilang kasingkahulugan ng "kultural (at madalas na etikal) na kaangatan ng ilang partikular na mga pangkat." Sa katulad na diwa, nangangahulugan ang sibilisasyon bilang "kapinuhan ng kaisipan, mga gawi, o panlasa".[4] Malalim na nakaugat ang ganitong masalig sa pamantayang diwa ng kabihasnan sa kaisipang nagbibigay ang urbanisadong mga kapaligiran ng mas mataas na pamantayang pampamumuhay, na binubuo kapwa ng benepisyong pangnutrisyon at taglay na kakayahan sa pagpapaunlad ng pag-iisip.
Sa kanyang aklat naThe Philosophy of Civilization o "Ang Pilosopiya ng Kabihasnan", ibinalangkas ni Albert Schweitzer, isang pangunahing pilosopo hinggil sa diwa ng kabihasnan, ang ideya na may dalawang mga opinyon sa loob ng lipunan: isang tungkol sa sibilisasyon bilang isang purongmateryal at ang isa pa na ang sibilisasyon ay kapwaetikal at materyal. Sinabi niya ang pangkasalukuyang krisis ng daigdig, noong 1923, ay dahil sa pagkawala ng pagsilang ng kabihasnan ng sangkatauhan. Sa akda ring ito, binigyang kahulugan niya ang kabihasnan, na sinasabing:
Ito ang kabuoang bilang ng lahat ng pagsulong na gawa ng tao sa lahat ng saklaw ng galaw at mula sa bawat pananaw habang ang nakatutulong ang progreso papunta sa maka-espiritung pagpeperpekto ng mga indibiduwal bilang pagsulong sa lahat ng pagsulong.
Bagaman nagkakapatong-patong sa panahon at pook ang mga kabihasnan, karaniwan silang binibigyang kahulugan kung saan natipon ang kanilangpopulasyon sa pinakamalaking bilang, o kung saan nakahimpil ang kanilang pamahalaan noong nasa pinakakalakasan ang kanilang kapangyarihan. Halimbawa, pinamahalaan angImperyong Romano mula saRoma. Dating kumalat ang kanilangimperyo mula sa mga hangganang Eskoses hanggang saHilagang Aprika at Silangang Mediteraneo. Nagkaroon sila ng sariling wika, angLatin, na naging mas ninanais na paraan ng pakikipag-ugnayan ng edukadong mga tao hanggang sa matagal nang naglaho ang kanilang sibilisasyon. Sa ngayon, ginagamit pa rin ng mga manananggol at mga politiko, mga manggagamot at mga siyentipiko, mga dalubhasa at iba pa ang Latin sa kurso ng kanilang pang-araw-araw na mga gawain, bagaman namatay na ang sibilisasyon ng sinaunang mga Romano mahigit na 1,500 mga taon na ang nakararaan. Sinasabing mahusay sa Latin siWilliam Shakespeare. Itinuturo pa rin ang Latin sa ilang mga paaralan. Hinahangaan pa rin natin at ginagaya angarkitekturang Romano, gumagamit tayo ng mgabilang na Romano upang bilangin ang ilang mga bagay, gumagamit tayo ng mga pangalan ng mga Romanongdiyos upang tandaan ang mga araw at mga buwan ng ating mgakalendaryo, pinapangalanan natin ang mgakonstelasyon sa kalangitan na ang ginagamit ay ang mga pangalan ginamit ng mga Romano para sa mga ito, at naging huwaran ng ating mgakonstitusyon at mga istrukturang pampolitika ang kaparaan ng mga Romano, katulad ngSenado,halalan,tribunal,katarungan,pagboto,senso, pati na ang salitangKonstitusyon, na mga salitang Latin, na hindi nagbabago ang kahulugan sa loob ng libu-libong mga taon.