Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Siva

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saShiva)
Para sa ibang kagamitan, tingnan angShiva.
Para sa monotipikong sari na "Siva", silipin angSiva cyanouroptera.
Isang istatwa ni Siva na malapit saPandaigdigang Paliparang Indira Gandhi,Delhi,India.

SiShiva oSiva: (pagbaybay sa Ingles:[ʃɪ.ʋə];Sanskrit: शिव,Śiva, litireal na "ang mapalad" o "ang ospisyoso") ay isang mahalagang diyos ngHindu at isang aspeto ngTrimurti, o Trinidád (magkaiba sa konsepto ngSantatlo ngKristiyanismo). Sa tradisyongShaiva ng Hinduismo, si Siva ang kinikilalang kataas-taasang diyos. Sa tradisyongSmarta, isa siya salimang Pangunahing Anyo ng Diyos.[1][2]

Ang mga tagasunód ng Hinduismo na sumasamba kay Siva ay tinatawag na mgaShaivite oShaiva (SanskritŚaiva).[3] Ang Shaivismo, kasama ng tradisyongVaiṣṇava na nakatutok kayVishnu, at tradisyongŚākta na nakapokus sadiyosang siDevī, ay ang tatlo sa pinakamaimpluwensiyang na denominasyon ng Hinduismo.[2]

Sinasamba rin si Siva sa anyo ngSiva linga. Sa mga larawan, siya ay pinapakitang nagninilay-nilay o sa kaniyang kaanyuan bilangNataraja, ang "Panginoon ng Sayáw" na iniindák angTandava sa ibabaw niMaya, ang demonyo ng kamangmangan.

Sa ibang denominasyon ngHinduismo, siBrahma,Vishnu, at Siva ang kumakatawan sa tatlong pangunahing aspeto ng kabanalan sa Hinduismo at magkakasamang tinatawag naTrimurti. Sa paniniwalang ito si Brahma ang Tagapagkliha, si Vishnu ang Tagapangalaga at si Siva ang Tagapagwasak o kaya'y Tagabago.[4]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Hindu Dharma". Inarkibo mula saorihinal noong 2009-03-13. Nakuha noong2009-03-02.
  2. 2.02.1Flood (1996), p. 17.
  3. Tattwananda, p. 45.
  4. Zimmer (1972) p. 124.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Siva&oldid=2061694"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp