Karne:tupa,manok,pabo,baka Sandwits: Karneng panshawarma,pita opambalot na tinapay, tinadtad o gutay-gutay na gulay, atsara at iba't ibang mga kondimento
Habang may sinaunang kasaysayan ang pag-iihaw ng karne sa mga pahalang na asador, ang pamamaraan ng pag-iihaw sa patayong salansan ng mga hiwa ng karne at pagpuputol nito habang naluluto ito ay unang lumitaw saImperyong Otomano ng ika-19 na siglo, na ngayo'y nasaTurkiya, sa anyo ngdoner kebab.[1][10][11] Kapwa nanggaling anggyro ng Gresya at shawarma mula rito.[1][2][12] Humantong naman ang shawarma sa pagbubuo noong unang bahagi ng ika-20 siglo ng kontemporaryong ulam sa Mehiko,tacos al pastor, noong dinala ito ng mga Libanong imigrante.[2][13]
Ihinahanda ang shawarma mula sa mga maninipis na hiwa ng timpladong karne ng tupa, bulo, baka, manok, o pabo. Ipinapatong-patong ang mga hiwa sa isangtuhugan na 60 cm (20 in) ang taas. Maaaring idagdag angtaba ng tupa para maging mas makatas at masarap ito. Dahan-dahang iniikot ng isang tuhugang de-motor ang salansan ng karne sa harap ng pampainit, na nag-iihaw sa panlabas na suson. Ipinuputol ang mga piraso mula sa umiikot na salansan para ihain, karaniwan gamit ang isang mahaba at matulis na kutsilyo.[1]
SaIsrael, karamihan ng shawarma ay gawa sa ulikbangpabo at kadalasang inihahain kasama ng sarsang tahini dahil lalabag ang paghahain ng sarsa ng yogurt kasama ng karne sapagbabawal sa sama-samang pagkakain nggatas at karne ng mga Hudyo.[13] Kadalasan, pinapalamuti ito ng kinubong kamatis, pipino, at sibuyas, inatsarang gulay,humus, sarangtahini o sarangamba.[1] Maaaring mag-alok ang mga ilang restawran ng mga karagdagangtopping tulad ng inihaw na sili,talong opritong patatas.[15]
↑Mattar, Philip (2004).Encyclopedia of the Modern Middle East & North Africa: D-K [Ensiklopedya ng Makabagong Gitnang Silangan & Hilagang Aprika: D-K]. Encyclopedia of the Modern Middle East & North Africa (sa wikang Ingles). Bol. 2 (ika-Hardcover (na) edisyon). Macmillan Library Reference. p. 840.ISBN9780028657714.OCLC469317304.Ang shawarma ay isang sikat na espesyalidad ng mga Lebantinong Arabe. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
↑La Boone, III, John A. (2006).Around the World of Food: Adventures in Culinary History [Palibot sa Daigdig ng Pagkain: Mga Pakikipagsapalaran sa Kasaysayan ng Pagluluto] (sa wikang Ingles) (ika-Paperback (na) edisyon). iUniverse, Inc. p. 115.ISBN0595389686.OCLC70144831.Shawarma - Isang Arabeng sandwits katulad ng gyro. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
↑Kraig, Bruce; Sen, Colleen Taylor (2013).Street Food Around the World: An Encyclopedia of Food and Culture [Pagkaing Kalye sa Palibot ng Daigdig: Isang Ensiklopedya ng Pagkain at Kultura] (sa wikang Ingles). Santa Barbara, California: ABC-CLIO. pp. 18, 339.ISBN978-1598849554.OCLC864676073.
↑Al Khan, Mohammed N. (Hulyo 31, 2009)."Shawarma: the Arabic fast food" [Shawarma: ang Arabeng fast food].Gulf News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong Marso 4, 2018. Nakuha noongSeptiyembre 2, 2020.{{cite web}}:Check date values in:|access-date= (tulong)
↑Eberhard Seidel-Pielen (Mayo 10, 1996)."Döner-Fieber sogar in Hoyerswerda" [Doner fever kahit sa Hoyerswerda].ZEIT ONLINE (sa wikang Aleman). Nakuha noongMayo 6, 2016.Walang mga pahiwatig sa mga nakasulat na resipi ukol sa edad medyang lutuing Arabe man ni sa mga Turkong aklat sa pagluluto mula sa unang bahagi ng ika-19 na siglo. Ayon sa pananaliksik ni Rennan Yaman, isang Turkong dalubhasang kusinero na nakatira sa Berlin, ang doner kebab ay isang kamangha-manghang bagong likha ng lutuing Otomano. (Isinalin ang sipi mula sa Aleman)
↑Kiple, Kenneth F.; Ornelas, Kriemhild Coneè, mga pat. (2000).The Cambridge World History of Food, Volume 2 [Ang Kasaysayan ng Pagkain sa Daigdig ng Cambridge, Tomo 2] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 1147.ISBN9780521402156 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.Bursa ang bayan na nagpasimula sa bantog-sa-daigdig na "doner kebab", karneng iniihaw sa isang patayong tuhugan na umiikot. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
↑Kremezi, Aglaia (2010)."What's in the Name of a Dish?". Sa Hosking, Richard (pat.).Food and Language: Proceedings of the Oxford Symposium on Food and Cooking 2009 [Pagkain at Wika: Mga Pangyayari ng Simposyum ng Oxford sa Pagkain at Pagluluto 2009] (sa wikang Ingles). Bol. 28. Totnes: Prospect Books. pp. 203–204.ISBN9781903018798.OCLC624419365.