AngPrepektura ng Kagoshima (鹿児島県,Kagoshima-ken) ay isang prepektura sa bansangHapon na matatagpuan sa pulo ng Kyushu. Ang kabisera ay angLungsod ng Kagoshima.
Ang Prepektura ng Kagoshima ay matatagpuan sa timog kanluraning dulo ng Kyushu sa Tangway ng Satsuma at Tangway ng Ōsumi. Ang prepekturang Ito ay sumasaklaw ng isang serye ng mga pulo na humahaba sa karagdagang timog-kanluran ng Kyushu ng ilang daang kilometro. Ang pinaka mahalagang pangkat ay ang Kapuluan ng Amami. Napapaligiran ng SilangangDagat Tsina sa kanluran,Prepektura ng Okinawa sa timog,Prepektura ng Kumamoto sa hilaga, atPrepektura ng Miyazaki sa silangan, ito ay may 2,632 km ng baybay-dagat (kabilang ang 28 mga pulo). Ito ay may baybayin na tinatawag na Baybay ng Kagoshima (Kinkowan), na kung alin ay napapagitnaan ng dalawang mga tangway, ang Satsuma at Ōsumi.
Ang sumusunod ay isang talaan ng mga lungsod ng Prepektura ng Kagoshima, at ang mga administratibong distrito nito at ng kanilang mga bumubuong mga bayan at mga nayon: