Isangdesktop scanner, na nakaangat ang takip. Nakalatag sa ibabaw ng salamin ang isang bagay na gagayahin nito.Isang scanner ngEpson na nakasara at nakalapat ang takip.
Ang mgascanner[1] (bigkas: /is·ká·ner/) ay mga panlabas at pandugtong na kasangkapang ikinakabit sakompyuter na ginagamit para kopyahin ang isang orihinal na dokumento o larawan. Isa itong aparatong pangkopya. Tinatawag naflatbed scanner odesktop scanner ang mga iskaner na malaki ngunit lapad, payat at patag na naipapatong sa isang mesang pang-opisina o pambahay. Karaniwang angkop lamang ang haba nito para matanggap sa kaniyang higaan ang ordinaryong sukat ng papel na panulat katulad ngcoupon bond otypewriting paper. Ito ang pinakapangkaraniwang uri ng iskaner.
Kabilang pa sa ibang klase ng iskaner angbusiness card scanner,high-resolution scanner, athandheld scanner. Maliliit lamang ang mgabusiness card scanner ngunit mainam na pang-kopya ng mga personal na impormasyon na ipapadala sa isang elektronikong talaan. Malimit na gamitin ng mgalitratista atdisenyador anghigh-resolution scanner para sa kanilang mga larawan at sining. Mainam gamitin ito sa pagkopya ng mgaslide (padulas na larawang pang-presentasyon) at mganegatibo ng mgalitrato. Nakalilito namang gamitin ang mga nahahawakan at portablenghandheld scanner na nadadala kahit saang pook.[1]