AngSanto Domingo (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈsanto ðoˈmiŋɡo] hango kay "Santo Domingo"), na minsan nakilala bilangSanto Domingo de Guzmán, ay angkabisera at ang pinakamalakinglungsod saRepublikang Dominikano at ang pinakamalaking kalakhan lugar saKaribe ayon sa populasyon.[1] Noong 2010, umabot ang kabuuang populasyon sa 2,908,607,[2] kapag kabilang ang kalakhang lugar.[3] May mga kaparehong hangganan ang lungsod sa Distrito Nacional ("D.N.", "Pambansang Distrito"), napapaligiran nito ang sarili ng tatlong sulok ng Lalawigan ng Santo Domingo.
Itinatag ng mgaKastila noong 1496, sa silangang pampang ng Ilog Ozama at nilpat ito pagkatapos ni Nicolás de Ovando noong 1502 sa kanlurang pampang ng ilog, ang lungsod ang pinakamatandang patuloy na nasasakupang panirahang Europeo samga Amerika, at ang unang luklukan sapamunuang kolonyal ng Espanya saBagong Mundo. Sa Santo Domingo matatagpuan ang unangpamantasan,katedral, kastilyo, at muog sa Bagong Mundo. Idineklera ang Sonang Kolonyal ng lungsod bilangPandaigdigang Pamanang Pook ngUNESCO.[4][5] Tinawag ang Santo Domingo bilangCiudad Trujillo (pagbigkas sa wikang Kastila: [sjuˈðað tɾuˈxiʝo]), mula 1936 hanggang 1961, na ipinangalan ng diktador ng Republikang Dominikano na si Rafael Trujillo sa kanyang sarili. Pagkatapos ng pataksil na pagpatay sa kanya, ibinalik ang orihinal na pangalan ng lungsod.
Sentro ang Santo Domingo ngkalinangan, politika, komersyo, pananalapi at industriya ng Republikang Dominikano, na may mga mahahalagang industriya ng bansa na narito sa lungsod na ito. Nagsisilbi din ang Santo Domingo bilang pangunahing daungang-dagat ng bansa. Nasa bunganga ng Ilog Ozama angdaungan ng lungsod na tumatanggap ng malalaking sasakyang pandagat, at pinamamahalaan ng puwerto ang parehong madaming pasahero at pagkilos ng kargamento. Mataas ang temperatura sa buong taon, na may malamig na simoy sa panahon ngtag-niyebe.