AngPederasyon ng San Cristobal at Nieves na matatagpuan saKapuluang Leeward, ay isang unitaryong bansang pulo saKaribe, at ang pinakamaliit na bansa sa Kanlurang Hemispero.
Isang orihinal nakolonya ngNagkakaisang Kaharian, naging asosyadong estado na may autonomiyang panloob noong 1967 ang San Cristobal at Nieves kasama angAnguilla.
Ang Saint Kitts and Nevis ay pangunahing umaasa sa turismo, agrikultura at maliliit na pagawaan. Dating asukal ang pangunahing produktong iniluluwas ng bansa noong dekada 40, subalit dahil sa tumataas na paggastos sa paggawa ng asukal, at sa pagsisikap ng pamahalaan na bawasan ang pag-asa ng ekonomiya sa asukal, ang nagbigay daan para lumawig ang sektor ng agrikultura. Noong 2005, napagpasyahan ng pamahalaan na isara ang pagmamay-ari ng estado na pagawaan ng asukal, na nakaranas ng pagkalugi at nakapag-ambag ng malaki sa utang ng bansa.