AngSailor Moon (美少女戦士セーラームーン,Bishōjo Senshi Sērā Mūn, orihinal na sinalin sa Ingles bilangPretty Soldier Sailor Moon[1] at sa kalaunan bilangPretty Guardian Sailor Moon[2][3]) ay kilalang seryeng pamagat na orihinal na binubuo ngmanga sa pamamagitan ni Naoko Takeuchi na nagkaroon nganime,teatrong musikal,larong bidyo attokusatsu. Orihinal itong nailathala ng baha-bahagi saNakayoshi mula 1991 hanggang 1997; ang 60 indibiduwal na kabanata ay nailathala sa 18tankōbon na bolyum. Sinusundan ng kuwento ang mga pakikipagsapalaran ng babaeng estudyanteng si Usagi Tsukino na nagiging si Sailor Moon upang hanapin ang isang artepaktong maymahika, ang "Legendary Silver Crystal" (「幻の銀水晶」,Maboroshi no Ginzuishō, lit. sa Ingles: "Phantom Silver Crystal"). Pinamumunuan niya ang isang pangkat na magkakaiba ang pinagmulan , ang Sailor Soldiers (セーラー戦士,Sērā Senshi) (Sailor Guardians sa mga kalaunang edisyon) habang nilalabanan nila ang mga kontrabidda upang maiwasan ang pagnanakaw ng Silver Crystal at ang pagkawasak ngSistemang Solar.
Sa Juban,Tokyo, isang mag-aaral sapaaralang panggitna na nagngangalang Usagi Tsukino (o Bunny sa berysong Tagalog) ang kumaibigan kay Luna, isang nagsasalitang itim napusa na nagbigay sa kanya ng isang brotse na may mahika na ginagawa siyang si Sailor Moon: isang sundalo na nakatakdang iligtas angDaigdig mula sa mga puwersa ng kasamaan. Nagtipon sina Luna at Usagi ng isang pangkat ng mga kasamang Sailor Soldier upang hanapin ang prinsesa at ang Silver Crystal. Nakatagpo nila ang masipag mag-aral na si Ami Mizuno, na ginising ang Sailor Mercury; si Rei Hino, isang lokal na dalaga sa dambanangShinto na ginising ang Sailor Mars; si Makoto Kino, isang matangkad at malakas na mag-aaral na kakalipat pa lamang na gumising bilang si Sailor Jupiter; at si Minako Aino, isang batang naghahangad magingidol na ginising ang Sailor Venus noong ilang buwan na nakalipas, kasama ang kanyang pusang si Artemis. Karagdagan pa nito, kinaibigan nila si Mamoru Chiba, isang mag-aaral samataas na paaralan na tinutulungan sila sa ilang okasyon bilang si Tuxedo Mask.
Ang mga titik ay isinulat niVehnee Saturno at ikinanta niAngelika de la Cruz naSana'y Madama. Ang melodiyang ay kaparehas ngMoonlight Densetsu. Karamihan sa mga awitin ay hindi na isinatagalog, Bagaman angMoonlight Densetsu ay nanatili hanggang Kabanata 46.