Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Sabah

Mga koordinado:5°15′N117°0′E / 5.250°N 117.000°E /5.250; 117.000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sabah
Negeri Sabah
نڬري سابه‎
Flag of Sabah
Watawat
Coat of arms of Sabah
Eskudo de armas
Kinaroroonan ng Sabah sa Malaysia
Kinaroroonan ngSabah saMalaysia
Mga koordinado:5°15′N117°0′E / 5.250°N 117.000°E /5.250; 117.000
KabiseraKota Kinabalu
Lawak
 • Kabuuan72,500 km2 (28,000 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015)[1]
 • Kabuuan3,543,500
 • Kapal49/km2 (130/milya kuwadrado)
DemonymSabahan

AngSabah (pagbigkas: sá•ba) na datingHilagang Borneo, ay isa sa dalawangestado ngMalaysia sa pulo ngBorneo (angSarawak ang isa pa nitong estado). May ibang antas ng awtonomiya ang naturang lupain sa pangangasiwa, pandarayuhan, at hudikatura na siyang nagtatangi rito sa mga estado at iba pang estado sa Tangway ng Malaysia. Matatagpuan ang Sabah sa hilagang Borneo, kahangganan ang estado ngSarawak sa timog-kanluran,Kalimantan ngIndonesia sa timog, habang nahihiwalay naman ng dagat mula sa Pederal na Lupain ngLabuan sa kanluran, at saPilipinas sa hilaga at silangan.Kota Kinabalu ang kabiserang lungsod ng Sabah na siya ring lunduyan ng kalakalan ng estado at luklukan ng pamahalaan. Kabilang sa mga pangunahing bayan ng Sabah ay angSandakan atTawau. Batay sa senso noong 2015 ng Malaysia, 3,543,500 ang bilang ng tao sa buong estado.[1] May klimang ekwatoryal ang Sabah at may kagubatang tropikal na sagana sa mga iba't ibang uri ng hayop at halaman. May mahabang bulubundukin ang estado sa kanlurang bahagi na bumubuo saCrocker Range National Park. AngIlog Kinabatangan, ang ikalawang pinakamahabang ilog sa Malaysia, at angBundok Kinabalu, ang pinakamatayog na tuktok ng Malaysia ay pawang matatagpuan sa Sabah.

Tinatayang 20,000–30,000 taon na ang nakararaan nang manirahan ang tao sa Sabah sa paligid ng Look ng Darvel at mga yungib ng Madai-Baturong. May kalakalan nang nagaganap sa pagitan ng mga taga-Sabah at Tsina mula pa noong ika-14 na dantaon. Napasailalim ito saImperyo ng Brunei noong ika-15 dantaon at saSultanato ng Sulu sa pagitan ng ika-17 hanggang ika-18 dantaon. Pinangasiwaan naman ang estado ngNorth Borneo Chartered Company noong ika-19 hanggang ika-20 dantaon. NoongIkalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop ngJapan ang estado sa loob ng tatlong taon bago ito ipasa bilangBritish Crown Colony noong 1946. Ginawaran naman ng mga Briton ng malasariling pamahalaan ang Sabah noong Agosto 31, 1963. Kasunod nito, isa ang Sabah sa mga nagtaguyod ng Pederasyon ng Malaysia (itinatag noong Setyembre 16, 1963) kasama ngSarawak,Singapore (pinatalsik noong 1965), at ngPederasyon ng Malaya. Subalit, tinutulan ito ng Indonesia, na nauwi saEngkwentro (Konfrontasi sa wikang Indonesian) nang higit sa tatlong taon kasabay ng pag-aangkin ng Pilipinas na patuloy hanggang sa ngayon, bagaman hindi na ito aktibong isinusulong.[2]

Ang puno ng estado ay ang Gobernador na kilala rin bilangYang di-Pertua Negeri, habang ang puno ng pamahalaan ay ang Punong Ministro. Halos isinunod ng sistemang pampamahalaan ng estado angsistemang Westminster at may isa sa pinakaunang pang-estadong batasan sa Malaysia. Nahahati ang estado sa mga pampangasiwaang sangay at mga purok. Opisyal na wika ng estado angMalay[3][4] atIslam naman ang opisyal na relihiyon.[5] Kilala ang estado sa tradisyonal na instrumentong pantugtugin nasompoton. Kapuna-puna rin ang yaman ng etnisidad, kalinangan at mga wika ng Sabah.

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1"Population by States and Ethnic Group" (sa wikang Ingles). Department of Information, Ministry of Communications and Multimedia, Malaysia. 2015. Inarkibo mula saorihinal noong Pebrero 12, 2016. Nakuha noongPebrero 12, 2015.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  2. Calica, Aurea (Marso 19, 2013)."Revival of Sabah claim under review".The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noongSetyembre 3, 2016.
  3. "BM is Sabah's official language – Keruak" (sa wikang Ingles). The Borneo Post. Nobyembre 22, 2015. Inarkibo mula saorihinal noong 25 June 2016. Nakuha noongHunyo 25, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  4. "National Language (Application) Enactment 1973"(PDF) (sa wikang Ingles). Sabah State Government (State Attorney-General's Chambers). Setyembre 27, 1973. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong Hunyo 25, 2016. Nakuha noongHunyo 25, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  5. "Constitution of the State of Sabah". Sabah State Government (State Attorney-General's Chambers). Inarkibo mula saorihinal noong Hunyo 15, 2016. Nakuha noongHunyo 15, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)


Mga estado
Mga Teritoryong Pederal
International
National
Geographic
Other
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Sabah&oldid=2084242"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp