Noong 1914 pagkatapos suportahan ng SPD ang paglahok ng Alemanya saUnang Digmaang Pandaigdig, itinatag niya, kasama siKarl Liebknecht, ang rebolusyunaryongSpartakusbund (LigangSpartacist), na noong 1 Enero 1919 naging Partido Komunista ng Alemanya. Noong Nobyembre 1918, sa panahon ng Rebolusyong Aleman, tinatag niya angDie Rote Fahne (Ang Pulang Bandila), ang sentral na samahan ng mga maka-kaliwang rebolusyonaryo.
Tinuring niya ang himagsikangSpartacist noong Enero 1919 saBerlin bilang isang pagkakamali,[1] ngunit sinuportahan ito nang nagsimula. Nang supilin ang pag-aalsa ng mga Freikorps (mga tirang monarkistang hukbo at maka-kanang malayang milisiya kapag pinagsama), sina Luxemburg, Liebknecht at daan-daang mga maka-kaliwang rebolusyunaryo ang binihag, pinahirapan, at pinatay. Simula noong namatay sila, natamo nina Rosa Luxemburg at Karl Liebknecht ang katayuang dakilang simbolo ng mgademokratikong sosyalista atMarxista.