Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Mitolohiyang Romano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saRoman mythology)
Romulus at Remus,Lupercal,Amang Tiber, atPalatine sa isangrelief mula sa isang pedestal na mula pa sa pamumuno niTrajan (98–117 CE)

AngMitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ngSinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika atmoralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip nateolohiya okosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano angAenid niVirgil, kasaysayan niLivy, Fasti niOvid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat ng mga elehiya niPropertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura, partikular sa mga relief.

Mga mitong Romano

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang isa sa pinakakilala sa mga mitong Romano ang pagkakatatag ng Roma ng kambal na sinaRomulus at Remus na anak ng Diyos ng Digmaan na siMarte (Mars) at birheng siRhea Silvia. Ang kambal ay pinaniniwalaang ipinanganak noong 771 BCE. Ang kuwentong ito ay pinagkasundo sa kuwentong nauukol sa ninuno nina Romulus at Remus na prinsipe ngTroya na siAeneas ng anak ng Diyosang siVenus (ang ina ng mga Romano) at prinsipeAnchises na lumikas tungo sa Italya at nagtatag ng liping Romano sa pamamagitan ng kanyang anak na siAscanius na nagpuno sa puwang na 400 taon pagitan ng pagtira ni Aeneas sa Italya at pagkakatatag ng Roma noong mga 753 BCE nina Romulus at Remus. Ang pamilya niJulio Cesar at niCesar Augusto ay nag-angking inapo ni Aeneas. Kabilang din sa mga mitong Romano angpanggagahasa sa mga babaeng Sabino na nagsasalaysay ng pagkakabuo ng kulturang Romano, kuwento ng hari ng Roma na siNuma Pompilius na ahente ng mga Diyos at nagtatag ng mga institusyong pambatas at panrelihiyon ng Roma, kuwento niServius Tullius na kasintahan ng Diyosang siFortuna, angBatong Tarpeian kung bakit ito ginamit para patayin ang mga taksil sa Roma, kuwento niLucretia na ang pag-alay ng kanyang sarili ang nagtulak sa pagpapabagsak ng maagang monarkiyang Romano at pagkakatatag ng Republika, ang kuwento niHoratius Cocles, kuwento niMucius Scaevola, kuwento niCaeculus at pagkakatatag ngPraeneste.[1], kuwento niManlius at ang gansa na nauukol sa pamamagitan ng Diyos sa Paglusob na Gallic sa Roma, kuwento ng mga pistangNonae Caprotinae atPoplifugia, kuwento niCoriolanus na nauukol sa politika at moralidad, kuwento ng siyudad ngCorythus bilang duyan ng kabihasnang Troyano at Italyano, at pagdating ng Dakilang Inang Cybele sa Roma.

Mga Diyos at diyosa

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Itinuring ng mga Sinaunang Romano ang kanilang mga sarili na napaka-relihiyoso. Kanilang itinuro ang kanilang mga tagumpay bilang isang pandaigdigang kapangyarihan sa kanilang kabanalan sa pagpapanatili ng mabuting mga ugnayan sa kanilang mga Diyos. Ayon sa mitong Romano, ang mga institusyong panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano ay itinatag niNuma Pompilius na ikalawang hari ng Roma na tuwirang nakipagtalastasan at tinuruan ng mga Diyos.

Silipin din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. J.N. Bremmer and N.M. Horsfall,Roman Myth and Mythography (University of London Institute of Classical Studies, 1987), pp. 49–62.
Mga Diyos
Mga abstraktong Diyos
Mga maalamat na tagapagtatag
Mga kasulatan
Mga konsepto at kasanayan
Tingnan din
Mgapaksa tungkol saSinaunang Roma
Mga Kapanahunan
Konstitusyon
Pamahalaan
Kultura
Mga Manunulat
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Mitolohiyang_Romano&oldid=2166475"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp