Isang istatwa ni Robin Hood na nasaNottingham sa Inglatera.
SiRobin Hood (binabaybay naRobyn Hode sa mas matatandang mga manuskrito), literal na "Robin Talukbong" o "Robin Pandong", ay isangmabayaningtulisan sakuwentong-bayan ng Inglatera, isang napaka may kasanayangmamamana ateskrimador (mang-eespada). Bagaman hindi kabahagi ng orihinal niyang katangian, magmula noong sumila ng ika-19 na daantaon[1] naging nakikilala siya sa pagnanakaw mula sa mayayaman at nagbibigay sa mga mahihirap,[2] na tinutulungan ng isang pangkat ng mga kapwa tulisan na nakikilala bilang kaniyang "Merry Men" (literal na "Maliligayang mga Tauhan").[3] Sa nakaugalian, si Robin Hood at ang kaniyang mga tauhan ay inilalarawan na nakasuot ng mga kasuotang ang kulay aylunting Lincoln.[4] Ang pinagmulan ng alamat ay inaangkin ng ilan na nagbuhat sa tunay na mga tulisan, o mula sa mgabalada o mga kuwento hinggil sa mga tulisan.[5]
Si Robin Hood ay naging isang tanyag na tao o pigurang pambayan noongGitnang Kapanahunan na nagpatuloy hanggang sa modernong panitikan, mga pelikula at telebisyon. Sa pinaka maagang mga napagkunan, si Robin Hood ay isangyeoman, subalit lumaong mas madalas siyang inilalarawan bilang isangaristokrata na may pagkakamaling binawian ng kaniyang mga lupain at naging isang tulisan ng isang walang kunsensiyangsheriff (agusil).[6]