AngRio de Janeiro ("Ilog ng Enero", binibigkas [ˈhiwdʒiʒʌˈnejɾu] saPortuges,/ˈriːoʊdeɪʒəˈnɛroʊ/ saIngles) ay ang pangalawang pangunahing lungsod saBrazil, kasunod ngSão Paulo.Kabisera ang lungsod ng estado ng Rio de Janeiro. Naging kabisera ito ng Brazil (1763–1960) at ImperyongPortuges (1808–1821). Karaniwang kilalang bilangRio lamang, palayaw rin ng lungsod ang bansag naA Cidade Maravilhosa na nangangahulugang "Ang Kamangha-manghang Lungsod".
Sikat ang lungsod na ito sa likas na tanawin, mga pagdiriwang Karnabal,samba at ibang musika, mga pang-turistang dalampasigan na may mga otel, katulad ng Copacabana at Ipanema, na nakalatag sa itim at kremang nakatirintas na huwarang mosaiko.
Isa sa kilalang mga palatandaang pook (landmark) ang higanteng rebulto niHesus, kilala bilang 'Cristo Redentor' (Kristong Tagapagligtas) sa tuktok ng bundok Corcovado.
Ang Rio de Janeiro ay ang punong-abala ngPalarong Olimpiko sa Tag-init 2016 at Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2016. Dahil diyan, ang lungsod ay ang unang Timog Amerikano at nagsasalita ng Portuges na lungsod na nakapagpunong-abala ng mga nasabing kaganapan, at ang pangatlong pagkakataon na isinagawa ang Palarong Olimpiko sa isang lungsod saPangtimog na Hating-Globo.[3]