Taas kaliwa: Tanaw ng Dagat Adriatico at tanawin ng Rimini, taas kanan: Tanaw ng Dalampasigang Rimini sa pook Lungomare, ilalim kaliwa: Templo Malatesta, Ilalim gitna: Arko ni Augusto, Ilalim itaas kanan: Teatro Rimini at Papa Pablo V sa Plaza Cavour, Ilalim baba kanan: Tulay Tiberio, mga pangunahing monumento: Tulay Tiberio at Arko ni Augusto
AngRimini (/ˈrɪmɪni/RIM-in-ee,Italyano: [ˈriːmini](pakinggan);Latin:Ariminum[1]) ay isang lungsod sa rehiyon ngEmilia-Romaña sahilagang Italya at kabesera ng lungsod ngLalawigan ng Rimini. Ito ay nakalatag sa kahabaan ngDagat Adriatico, sa baybayin sa pagitan ng mga ilogMarecchia (ang sinaunangAriminus ) atAusa (sinaunangAprusa). Ito ay isa sa mga pinakakilalang dalampasigang resort saEuropa na may kita mula sa parehong panloob at pandaigdigang turismo na bumubuo ng malaking bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Malapit din ito saSan Marino, isang maliit na bansa sa loob ng Italya. Ang unang gusaling panligo ay binuksan noong 1843. Ang Rimini ay isang lungsod ng sining na may mga sinaunang Romano at Renasimyentong monumento, at ito rin ang lugar ng kapanganakan ng direktor ng pelikula na siFederico Fellini.
Ang lungsod ay itinatag ng mga Romano noong 268 BK. Sa buong panahon ng Romano, ang Rimini ay isang mahalagang ugnayan ng komunikasyon sa pagitan ng hilaga at timog ng tangway. Sa lupain nito, ang mga emperador ng Roma ay nagtayo ng mga monumento tulad ngArko ni Augusto atTulay ni Tiberio upang markahan ang simula at pagtatapos ng Decumanus ng Rimini. Sa panahon ng Renasimyento, nakinabang ang lungsod mula sa korte ngPamilya Malatesta, na naging tahanan ng mga artista tulad niLeonardo da Vinci at gumawa ng mga likga tulad ngTempio Malatestiano. Ang mga pangunahing monumento sa Rimini ay ang Tulay ni Tiberio at ang Arko ni Augusto.
Noong ika-19 na siglo, ang Rimini ay isa sa mga pinakaaktibong lungsod sa rebolusyonaryong larangan, na naging tahanan ng marami sa mga kilusan na naglalayong makamit angpag-iisang Italyano. Sa kurso ngIkalawang Digmaang Pandaigdig, ang lungsod ay pinangyarihan ng maraming sagupaan at pambobomba, ngunit dahil din ngsaisang mabangis na paglaban ng partisano na nakakuha ito ng karangalan ng gintong medalya para sa sibikong katapangan. Sa mga nakalipas na taon ito ay naging isa sa pinakamahalagang pook para sa mga pistang pangkalakalan at mga kumperensiya sa Italya.
Noong 31 Disyembre 2019, ang urbanong pook ng Rimini ay tahanan ng 151,200 katao, na may humigit-kumulang 325,000 na nakatira saeponimong lalawigan, na ginagawa itong ikadalawampu't walong pinakamalaking lungsod sa Italya. Ang lungsod ay matatagpuan malapit sa independiyenteng republika ngSan Marino at ang karerahangMisano.
Graziosi Ripa, Anna (1980).Per la storia del Museo Archeologico riminese, in: Analisi di Rimini antica. Storia e archeologia per un museo. Rimini: Comune di Rimini.
↑Richard J.A. Talbert, pat. (2000).Barrington Atlas of the Greek and Roman World: Map-By-Map Directory. Bol. I. Princeton, NJ and Oxford, UK: Princeton University Press. p. 589.ISBN0691049459.
↑"Gemellaggi".comune.rimini.it (sa wikang Italyano). Rimini. Inarkibo mula saorihinal noong 31 Disyembre 2019. Nakuha noong16 December 2019.