SiRichard Milhous Nixon (Enero 9, 1913 – Abril 22, 1994) ay ang ika-37pangulo ng Estados Unidos, na nagsilbi mula 1969 hanggang 1974. Isang abogado at kasapi ngPartido Republikano, dati siyang nagsilbi bilang isangkinatawan atsenador mula saCalifornia at naging ika-36 napangalawang pangulo mula 1953 hanggang 1961 sa ilalim ni PangulongDwight D. Eisenhower. Nakita sa kanyang limang taon saWhite House ng pagbawas ng pagkakasangkot ng Estados Unidos saDigmaang Biyetnam,détente (o relaksasyon ng pilitang relasyon) saUnyong Sobyet atTsina, ang paglapag ngApollo 11 saBuwan, at ang pagkakatatag ngEnvironmental Protection Agency (Ahensiya ng Proteksyong Pampaligiran) atOccupational Safety and Health Administration (Adminstrasyon ng Kaligtasan at Kalusugan sa Pagtratrabaho). Maagang natapos ang ikalawang termnio ni Nixon nang siya ang tanging pangulo ng Estados Unidos na nagbitiw mula sa kanyang opisina, bilang resulta ngIskandalong Watergate.
Ipinanganak si Richard Milhous Nixon noong Enero 9, 1913, sa noo'y presintong nayon ngYorba Linda, California,[2] sa bahay na itinayo ng kanyang ama, na matatagpuan sarantsonglimon ng kanyang pamilya.[1][3][4] Ang kanyang mga magulang ay sina Hannah (Milhous) Nixon at Francis A. Nixon. Isang Quaker ang kanyang ina, at nagpalit ang kanyang ama mula pagigingMetodista tungong pananampalatayang Quaker. Sa pamamagitan ng kanyang ina, inapo si Nixon ng maagang nanirahangIngles na si Thomas Cornell, na ninuno din ni Ezra Cornell, ang tagapagtatag ngPamantasang Cornell, gayon din ninaJimmy Carter atBill Gates.[5]
Ang pagpapalaki kay Nixon ay naimpluwensiyahan ng mga pagtalimang Quaker noong panahong iyon tulad ng pangilin mula saalkohol,pagsasayaw, atpagmumura. Mayroon siyang apat na kapatid na lalaki: sina Harold (1909–1933), Donald (1914–1987), Arthur (1918–1925), at Edward (1930–2019).[6] Ipinangalan ang apat sa limang lalaking Nixon sa mga hari na naghari samedyebal o makasaysayangGran Britanya; si Richard, halimbawa, ay ipinangalan kayRichard I ng Inglatera.[7]
Anggusali ng Otel ng Watergate kung saan nangyari ang iskandalo
Ang iskandalong Watergate ay iskandalong pampolitika noong termino ngPagkapangulo ni Richard Nixon na nagresulta ng pagsasakdal at ng katiwalian ng ilang malalapit na tagapagpayo ni Nixon, at ang kanyang pagbitiw sa puwesto noong 9 Agosto 1974.
Nag-umpisa ang iskandalo nang mahuli ang limang lalaki dahil sa paglabag at pagpasok sa punong himpilan ngDemocratic National Committee (Komite ng Pambansang Demokratiko) sa Kompleks ng Watergate saWashington, D.C., noong Hunyo 17, 1972.