Richard Bright | |
|---|---|
Si Richard Bright. | |
| Kapanganakan | Setyembre 28,1789 |
| Kamatayan | Disyembre 16,1858 |
SiRichard Bright[1] (Setyembre 28,1789 –Disyembre 16,1858) ay isang Ingles na manggagamot at maagang tagapanimula ng pananaliksik sasakit sa bato onepritis (Ingles:nephritis; na kilala rin bilangkaramdaman ni Bright[1]).
Isinilang siya saBristol,Gloucestershire, pangatlong anak na lalaki nina Sarah at Richard Bright Sr., isang mayamang mangangalakal at bangkero. Isinali ni Bright, Sr. si Bright, Jr. sa kanyang pagiging mahilig sa agham, na may panghihikayat na gawin itong isang larangan. Noong 1808, sumali si Bright Jr. saPamantasan ng Edinburgh upang makapag-aral ng pilosopiya, ekonomiya, at matematika, subalit lumipat sa medisina noong sumunod na taon. Noong 1810, sinamahan niya siSir o GinoongGeorge Mackenzie sa isang pang-tag-araw na ekspedisyon saAisland kung saan nagsagawa siya ng mga pag-aaral na maka-likas na kasaysayan o bilang isangnaturalista. Pagkaraan, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng panggagamot saOspital ni Guy oGuy's Hospital saLondon at nagbalik sa Edinburgh noong Setyembre 1813 upang mabigyan ng kanyang Doktorado sa Medisina. AngDe erysipelate contagioso (Hinggil sa nakakahawangerysipelas) ang kanyang nagingtesis.
Noong mga 1820 at mga 1830, muling naghanapbuhay sa Ospital ni Guy, bilang tagapagturo, manggagamot, at mananaliksik para sa medisina. Nakasabayan niya sa trabaho ang dalawa pang pinaparangalang mga tagapanimula sa larangan ng panggagamot na sinaThomas Addison atThomas Hodgkin. Nagbunga ang kanyang pananaliksik sa mga sanhi at sintomas ng sakit sa bato patungo sa pagkakakilala niya sa sakit na tinaguriangsakit ni Bright. Dahil dito, itinuring siya bilang "Ama ngNeprolohiya".
Mayroong natatanging damdamin si Bright para saUnggarya, at namuhay siya sa Kastilyo ng Festetics ng Keszthely noong 1815, kung saan mayroong isang malaking plakeng nagsasaad ng ganitong mga kataga: "To the memory of the English physician scientist and traveller who was one of the pioneers in the accurate description of Lake Balaton", o "Sa alaala ng Ingles na manggagamot na siyentipiko at manlalakbay na isa sa mga tagapanimula ng tumpak na paglalarawan ng Lawang Balaton."
NoongDisyembre 11,1858, nagkaroon si Bright ng isang malubhang karamdaman dahil sa mga kumplikasyon ngsakit sa puso at hindi na muling gumaling. Namatay siya sa London sa edad na 69.
Nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki. Naging isang manggagamot ang pinakabunso, samantala ang isa naman, na siJames Franck Bright, ay naging isanghistoryador omanunulat ng kasaysayan.
{{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong){{cite journal}}:Unknown parameter|month= ignored (tulong);Unknown parameter|quotes= ignored (tulong)