Sapartikulong pisika, ang isangrho meson ay isang maikling-nabubuhay na partikulonghadroniko na isangisospintriplet na ang tatlong mga estado ay tinutukoy ngρ+,ρ0 andρ−. Pagkatapos ng mgapion atkaon, ang rho meson ang pinakamagaang nakikipag-ugnayang malakas na partikulo na maymasang mga770 MeV para sa lahat ng tatlong mga estado. Mayroong dapat na isang maliit na pagkakaibang masa sa pagitan ngρ+ atρ0 na maaaring ituro sa elektromagnetikong sariling-enerhiya ng partikulo gayundin ang isang maliit na epekto sanhi ng pagkasirang isospin na lumilitawa mula sa magaang mga masa ngquark. Gayunpaman, ang kasalukuyang eksperimental na hangganan ay ang pagkakaiba ng masang ito ay mas maliit sa0.7 MeV.
Ang mga rho meson ay mayroon lubos na napakaikling panahon ng buhay at anglapad ng pagkabulok nito ay mga145 MeV na may kakaibang katangian na ang mga lapad ng pagkabulok ay hindi inilalarawan nganyong Breit-Wigner. Ang pangunahing ruta ng pagkabulok ng mga rho meson ay sa pares ng mgapion na mayrate ng pagsanga na 99.9%. Ang mga neutral na rho meson ay maaaring mabulok sa isang pares ng mgaelektron omuon na nangyayari na may rasyo ng pagsangang5×10−5. Ang pagkabulok na nito ng neutral rho sa mgalepton ay maaaring pagkahulugan bilang paghahalo sa pagitan ng mgaphoton at rho. Sa prinsipyo, ang may kargang mga rho meson ay naghahalo sa mgamahinang bektor na boson at maaaring tumungo sa pagkabulok sa isang elektron o muon kasama ang isangneutrino. Gayunpaman, ito ay hindi kailanman napagmasdan.
Sa paglalarawangDe Rujula–Georgi–Glashow ng mgahadron, ang mga rho meson ay maaaring pakahulugan bilang isang tinatakdaang estado ng isangquark at isang anti-quark at isang pinanabik(excited) na bersiyon na pion. Hindi tulad ng pion, ang rho meson ay mayikot naj = 1 ( isangbektor meson) at isang labis na mas mataas na halaga ngmasa. Ang pagkakaiba ng masang ito sa pagitan ng mga pion at rho meson ay itinuturo sa isang malakainghyperfine na interaksiyon sa pagitan ng quark at anti-quark. Ang pangunahing pagtutol sa paglalarawang De Rujula–Georgi–Glashow ay ito ay tumutukoy sa pagiging magaan ng mgapion bilang isang aksidente kesa bilang isang resulta ngchrial na pagkasira ng symmetriya.
Ang mga rho meson ay maaaring isipin bilang mgagauge boson ng isangspontaneyosong nasirangsymmetriyang gauge na ang lokal na katangian aylumilitaw(lumilitaw mula saquantum chromodinamika). Tandaan na ang nasirang symmetriyang gauge na ito(na minsang tinatawag na tagong lokal na symmetriya) ay iba saglobal nasymmetriyang chiral na umaasal sa mgalasa. Ito ay inilarawan niHoward Georgi sa isang papel na pinamagatang " "The Vector Limit of Chiral Symmetry" kung saan kanyang itinuro ang karamihan sa mga literatura ng tagong lokal na symmetriya sahindi-linyar na modelong sigma[1].
Sa mas kamakailan, ang pananaw na ang mga rho meson ay mgagauge boson ay pinalakas ng isang programang kilala bilangAdS/QCD na aplikasyon ngAdS/CFT na hinango mula sateoriya ng tali. Sa paglalarawang ito, mayroon isang maliit na ekstrang dimensiyon na isang hiwa(slice) ngespasyong anti-de Sitter. Ang globar na lasang mga symmetriya ay isinulong sa limang dimensiyonal na mga symmetriyang gauge na nasira sa mga hangganan ng espasyo sa isospin. Ang mga rho meson ang pinaka-magaang mga resonansiyangKaluza–Klein ng ika-limang dimensiyon. Ang programang ito ay may kalamangan na may kakayahang gumagawa ng mga kwantitatibong mga prediksiyon para sa mga interaksiyon ng mga rho meson. Ang mga prediksiyong ito ay karaniwang tumpak sa 10%. May ilang pagkabahala sa kung ang paglalarawang limang dimensiyon na ito ay nasa ilalim ng kontrol naperturbatibo at nasa ilalim ng aktibong pagsasaliksik sa kasalukuyan. Sa konseptuwal na paglalarawan, ang pakikitungong AdS/QCD ay napaka lapit sa espirito sa "The Vector Limit of Chiral Symmetry." Kungi-dedekontrukta ang ika-limang dimensiyon, matatagpuan ang isang epektibong teoriya ng field na napaka katulad sa inilarawan ng "Vector Limit."
Partikulo | Simbolo | Nilalaman na quark | Inbariantong masa (MeV/c2) | I | JP | Q (e) | S | C | B' | T | Mean na panahon ng buhay (s) | Karaniwangnabubulok sa (>5% ng mga pagkabulok) |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Charged rho meson[2] | ρ+(770) | ρ−(770) | ud | 775.4±0.4 | 1+ | 1− | 0 | 0 | 0 | ~4.5×10−24[a][b] | π± +π0 | |
Neutral rho meson[2] | ρ0(770) | Self | 775.49±0.34 | 1+ | 1−− | 0 | 0 | 0 | ~4.5×10−24[a][b] | π+ +π− |
[a]^ Ang PDG ay nag-ulat ng resonansiyang lapad (Γ). Dito, ang konbersiyong τ = ħ⁄Γ ay bagkus ibinigay.
[b]^ Ang eksaktong halaga ay nakabatay sa paraang ginagamit.