Isang larawan ni Rembrandt na siya rin ang nagpinta.AngThe Nightwatch o "Ang Panggabing Pagbabantay," isang bantog na larawang ipininta ni Rembrandt.
SiRembrandt Harmenszoon van Rijn (15 Hulyo1606 –4 Oktubre1669) ay isang bantog na pintor at artista ng sining naOlandes. Ipinanganak siya saLeiden. Noong1631, nagpunta at namuhay siya saAmsterdam, dahil maraming tao roon ang nakarinig na ng tungkol sa kanya at nais na magpapinta sa kanya ng kanilang sariling mga larawan. Nagpakasal siya sa isang babaeng may pangalang Saskia van Uylenberg. Nagkaroon sila ng apat na mga anak, subalit tatlo sa kanila ang namatay habang napakabata pa. Pagkaraang mamatay ni Saskia, namuhay si Rembrandt sa piling ng isang babaeng may pangalang Hendrickje Stoffels na naging dati niyang katulong o tagapaglingkod, at nagkaroon sila ng isang anak na babaeng pinangalanan nilangCornelia. Namatay si Rembrandt sa Amsterdam noong 1669.
Nagpinta si Rembrandt ng maraming napakabantog na mga larawan. Ilan sa kanila ang napakalaki ang sukat, at ilan sa mga ito ang madilim at malungkot. Dahil sa pagiging isang mahusay na tagapagpinta, marami sa kanyang mga larawan ang nakaradaramang tila nakikiisa sila sa nangyayari sa loob ng tanawin o ipininta sa larawan. Makikita ang mga larawang ipininta ni Rembrandt sa tanyag na mga tanghalang pangsining sa buong mundo.
Ang lathalaing ito na tungkol saTao atSining ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.