Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Rayon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Huwag ikalito saRaion.
Malapitang kuhang larawan ng rayon, mula sa isangpalda.

Angrayon (Ingles:Rayon, Kastila:Rayón) ay isang sintetikong hibla, sinulid o tela, o pibrang gawa ng tao.[1][2] Bilang uri ng hibla,bunot, o pibra, isang itongpinanariwa (nagdaan sarehenerasyon) omulingsinariwangselulosa. Nanggagaling ang rayon mula sa halamangbulak okahoy. Sa pangkalahatan, ikinakalakal ang rayon sa ilalim ng markangAvril, ngunit mayroon pang ibang mga tatak ito batay sa uri ng rayon.[2]

Mga uri

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga uri ng rayon angasetato (Ingles:acetate, Kastila:acetato),rayong kupramonyum,rayong kupramonyo, okupramonyong rayon (Ingles:cuprammonium rayon), atmalapot na rayon (Ingles:viscose rayon).[2]

Asetato

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Asetato

Kabilang sa mga tatak pangkalakal ng asetato angEstron atArnel (triasetato otriacetate sa Ingles). Pangunahing ginagamit ang asetato sa paggawa ng mgakasuotan, mgakumot, mgaalpombra, at sapagtatapete.[2]

Rayong kupramonyo

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang rayong kupramonyo ay pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga mamahaling mga damit o kasuotang maluho. Ikinakalakal ang kupramonyong rayon sa ilalim ng pangalangCuprammonium Rayon atBemberg.[2]

Malapot na rayon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ikinakalakal ang rayong malapot sa ilalim ng tatak naFortisan. Pangunahing ginagamit ito sa paggawa ng mga kasuotan, mgapamalisan at alpombra, mga kumot, may palamuting mga tela, at mga bagay o kagamitang naitatapon kaagad pagkaraan lamang ng isang gamitan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L.- Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.02.12.22.32.42.5"Rayon,Acetate,Cupraammonium Rayon,Viscose Rayon".The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.,Some Important Man-made Fibers,Nylon and Other Man-made Fibers, titik N, pahina 428.

KimikaAng lathalaing ito na tungkol saKimika ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Rayon&oldid=2088115"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp