Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Pythagoras

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pythagoras
Kapanganakan6th dantaon BCE (Huliyano)[1]
    • Samos
  • (East Samos Municipality, Samos Regional Unit, North Aegean Region, Decentralized Administration of the Aegean, Gresya)
Kamatayan490 dekada BCE (Huliyano)
MamamayanSamos
Trabahomatematiko, pilosopo, politiko, manunulat, musicologist, music theorist
AsawaTheano
AnakMnesarchus,Myia,Damo,Telauges,Arignote
Magulang
  • Mnesarchus

"Όλα είναι αριθμός." "Óla eínai arithmós."
"Ang lahat aybilang."

Pythagoras

SiPitagoras oPythagoras (Griyego: Πυθαγόρας;Latin:Pythagoras;Kastila:Pitágoras), ipinanganak sa pagitan ng 580 at 572 BC, namatay sa gitna ng 500 at 490 BC[2]) ay isangGriyegongpilosopo atmatematiko. Ipinanganak si Pythagoras sa pulo ngSamos, sa pampang ngMinoryang Asya. Siya ay anak ninaPythais (mula sa Samos) atMnesarchus (isangmangangalakal mula saTiro). Si Pythagoras ang gumawa ngteorema ni Pitagoras o Pitagoreanong teorem (Pythagorean theorem[2] saIngles) na binubuo nga² +b² =c².

Nagtatag si Pythagoras ng isa sa pinakadakilang mga paaaralang Griyego ng pilosopiya saKatimugang Italya. Tumagal ang paaralan nang may 800 mga taon, bagaman tumitigil ito ngunit muling binubuksan. Kasama ang kanyang mga tagasunod, pinaunlad ni Pythagoras ang isang teorya ng mgabilang, kung saan naniniwala silang maipapaliwanag ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng mga bilang at mga payak na pagkakaugnayan ng mga ito. Isa itong ideyang humantong sa mahahalagang mga tuklas sa larangan ng matematika,musika, atastronomiya.[2]

Sa larangan ng musika, natagpuan nina Pythagoras at kaniyang mga kasama, na may kaugnayan sa sukat ng mga tubo o bagting ang mga notang natutugtog mula sa mga ito. Sa larangan ng matematika at astronomiya, naniwala silang bilog angdaigdig at gumagalaw sa loob ng isangorbito, katulad ng iba pang mgaplaneta, dahil sa kaugnayan ng mga sukat ng kanilang mga orbito sa mga payak naproporsyon. Sa larangan ngheometriya, partikular na ang sa teorem ni Pitagoras, ipinaliliwanag rito na sa isangtatsulok na may "tuwid" o tamang anggulo (mayright-angle sa Ingles) ang haba ng kinuwadradong gilis ohypotenuse  ang gilid na pahilis o gilid na nasa kabila ng tuwid na anggulong ito  ay katumbas ng mga kaparisukatan ng iba pang dalawang gilid kapag pinagsama-sama angsuma.[2]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Error: Unable to display the reference from Wikidata properly. Technical details:
    • Reason for the failure of{{Cite web}}: The output template call would miss the mandatory parameterurl.
    • Reason for the failure of{{Cite Q}}: The Wikidata reference contains the propertyquotation(P1683), which is not assigned to any parameter of this template.
    Seethe documentation for further details.
  2. 1234Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Pythagoras,Science and Technology".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767., namuhay sa Gresya mula mga 560 BK magpahanggang mga 500 BK ayon sa sangguniang ito, pahina 42.

MatematikoPilosopiyaAng lathalaing ito na tungkol saMatematiko atPilosopiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pythagoras&oldid=2017147"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp