Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Puwersa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saPwersa)
Para sa ibang kagamitan, tingnan angPuwersa.
Karaniwang inilalarawan ang mga isig (puwersa) bilang mga paghila at pagtulak. Maaaring dahil sila sa mga kababalaghan o likas na kaganapang tulad nggrabedad,magnetismo, o anumang iba pang nakapagsasanhi sa masa para bumilis o magkaroon ng akselerasyon.

Sa larangan ngpisika, angpuwersa (Ingles:force;Kastila:fuerza) oisig[1] ay ang kung ano ang nagbabago o nakapagpapabago sa katayuan ng namamahinga (di-gumagalaw) o gumagalaw (kumikilos) sa isang bagay. Sanhi ang isig ng pagbilis (akselerasyon),pagdaragdag ng kabuoang presyon sa bagay, opagbabago ng patutunguhan (pagbabago ng direksiyon). Sinusukat ang isig sa pamamagitan ngNewton [isahan] oNewtons [maramihan] (N).

Pormularyo

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ayon saIkalawang Batas ng Pagkilos niIsaac Newton, ito ang pormula sa paghahanap ng halaga ng isig:

Fnet=ma{\displaystyle F_{net}=ma}

kung saan angFnet{\displaystyle F_{net}} ang kabuuang isig o puwersa (force),
m{\displaystyle m} angmasa (bunton osalansan)[2] ng isang bagay,
ata{\displaystyle a} angbilis (akselerasyon) ng bagay.

Kapag may naghanda o nagharap saa{\displaystyle a} para sag (grabedad, katindihan[3], pamantayang katindihan, ostandard gravity), mayroon pang isang pormulasyong makukuha:

W=mg{\displaystyle W=mg}

kung saan angW{\displaystyle W} angtimbang obigat (weight) ng isang bagay isang lokasyon ,
m{\displaystyle m} ang masa ng isang bagay,
atg{\displaystyle g} ang bilis o akselerasyondahil sa osinanhi ng grabedad saantas ng dagat. Tinatayang mayroon itong mga9.8m/s2{\displaystyle 9.8m/s^{2}}.

Isangbektor (vector) ang isig, kaya't mayroon itong kalakihan[4] (magnitud,magnitude, sakop, saklaw o laki, laki o lawak ng sakop) atpatutunguhan (direksiyon). Ito ang mismong kahulugan ng bektor: isang bagay (saheometriya) na may magnitud at direksiyon.

Kahulugan at paglalarawan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa halip na sabihin ng magkahiwalay angpagtulak atpaghila, mas madaling gamitin ang mga salitangisig opuwersa para sa dalawa (pagtulak + paghila = isig o puwersa).[5]

Halimbawa, sapamimisikleta ng isang tao, gumagamit ang namimisikleta (nakasakay) ng isig para sa mgapedal opadyakan ngbisikleta kapag paakyat ng pataas na daan o maging sa patag na daanan man. Sa katotohanan, itinutulak ng nagpapaandar na tao ang mga padyakan pababa, subalit binabago ng mgatanikala at mgaengrenahe ang pagtulak na ito paayon sa anyo ng dinadaanangkalsada. Ngunit kung sakali lamang na tabunan ng may-ari ng bisikleta ng maraming mga kahoy, kung kaya't hindi na niya ito mahila o maitulak man lang, wala siyang nagagawangtrabaho ogawain. Walang resultang gawa o walang nagawa ang may-ari ng bisikleta bagaman gumamit ng isig na pahila o patulak. Ang resulta: mapapagod lamang ang may-ari ng bisikleta.[5]

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.
  2. "Mass", masa, bunton, salansanNaka-arkibo 2012-12-13 saWayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  3. "Gravity," tindi, bigat, timbangNaka-arkibo 2012-12-13 saWayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  4. "Magnitude," laki, kalakihanNaka-arkibo 2012-12-13 saWayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  5. 5.05.1"The Meaning of Force, ang kahulugan ng Isig o Puwersa".The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Puwersa&oldid=2125872"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp