Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Puno ng pamahalaan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Huwag ikalito saPuno ng estado.
Ang mga puno ng pamahalaan ng limang kasapi ngCommonwealth of Nations saCommonwealth Prime Ministers' Conference noong 1944.

Angpuno ng pamahalaan (Ingles:head of government) ay panlahatang taguri sa pinakamataas o ikalawang pinakamataas na opisyal ngsangay tagapagpaganap ng isangnakapangyayaring estado, estado ng isang pederasyon, o kolonyang may malasariling pamahalaan, at malimit na nanunungkulang tagapangulo nggabinete. Karaniwang ginagamit ang taguringpuno ng pamhalaan upang itangi ito sapuno ng estado,e.g. gaya sa artikulo 7 ngVienna Convention on the Law of Treaties, artikulo 1 ngConvention on the Prevention and Punishment of Crimes against Internationally Protected Persons, including Diplomatic Agents at talaan ng protokol ngMga Nagkakaisang Bansa.[1][2][3] Ang kapangyarihan ng isang puno ng pamahalaan, at ang kaugnayan ng posisyong sa iba pang institusyon ng estado (gaya ngpuno ng estado atlehislatura) ay nagkakaiba-iba bawat bansa, batay na rin sa partikular na modelo ngsaligang-batas na pinili.

  • Sasistemang parlamentaryo, ang puno ng pamahalaan ay angde factong pinunong politikal ng estado at nanánagot sa lehislatura (o sa isang kapulungan lamang nito). Bagaman may pormal na ugnayan upang mag-ulat sapuno ng estado, ang hulí ay karaniwang tumatayong pinuno-pinunuan lamang na maaaring gumanáp sa kapangyarihan nito bilang punong tagapagpaganap sa iilang pagkakataon lamang — sa tuwing tatanggap ng payòng konstitusyonal mula sa puno ng pamahalaan o sa ilalim ng ilang takdang tadhana sa saligang-batas.
  • Sa mgasistemang semi-presidensiyal, ang puno ng pamahalaan ay nanánagot sa parehong puno ng estado at sa lehislatura, na may kaniyang katakdaan sa ilalim ng saligang-batas. Magandang halimbawa nito angIkalimang Republikang Pranses (1958–kasalukuyan), kung saan hinihirang ngPangulo angPunong Ministro, ngunit dapat niyang piliin ang may kakayahang magpatakbo ng pamahalaan, at makakakuha ng suporta saKapulungang Pambansa. Kapag hawak ng oposisyon ang Kapulungang Pambansa (sa gayon ang pambansang pondo at pagsasabatas), mapipilitan ang Pangulo na pumili ng Punong Ministro sa hanay ng oposisyon. Sa ganoong pagkakataon, tinatawag itongcohabitation – kontrolado ng Punong Ministro (kasama ang gabinete) ang patakarang panloob, habang limitado na lang sa ugnayang panlabas ang impluwensiya ng Pangulo.

Tignan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. HEADS OF STATE, HEADS OF GOVERNMENT, MINISTERS FOR FOREIGN AFFAIRSNaka-arkibo 2012-09-27 saWayback Machine., Protocol and Liaison Service, United Nations (2012-10-19). Hinango noong 2013-07-29.
  2. Vienna Convention on the Law of Treaties 1969,International Law Commission, United Nations. Hinango noong 2013-07-29.
  3. Convention on the Prevention and Punishment of Crimes against Internationally Protected Persons, including Diplomatic Agents 1973,International Law Commission, United Nations. Hinango noong 2013-07-29.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Puno_ng_pamahalaan&oldid=2084192"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp