Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Pulo ng Ellis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa pulong nasa Australya, tingnan angPulo ng Ellis (Queensland).
Ang Pulo ng Ellis.

AngPulo ng Ellis (Ingles:Ellis Island), na nasa bunganga ngIlog ng Hudson saHarbor ng Bagong York, ay ang lokasyon ng dating pangunahing pasukang pasilidad para sa mgaimigranteng pumapasok saEstados Unidos magmula Enero 1, 1892 hanggang Nobyembre 12, 1954. Pinalitan ng Pulo ng Ellis ang pinatatakbo ng estadongKastilyo ng Clinton oKampo ng Imigrasyon ng Halamanang Kastilyong (Castle Garden Immigration Depot, 1855-1890) nasaManhattan. Pag-aari ito ng pamahalaang pederal at kasalukuyang bahagi ngPambansang Bantayog ngIstatuwa ng Kalayaan, na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Palingkuran ng Pambansang Liwasan (National Park Service) ng Estados Unidos. Mas malawak na nakalagak ang pook na ito saLungsod ng Jersey,Bagong Jersey, bagaman bumabagsak ang maliit na bahagi ng teritoryo nito sa loob ng kapit-bahay naLungsod ng Bagong York. Naging isang paksa ng pagtatalo hinggil sa hangganan sa pagitan ng mga estado ng Bagong York at Bagong Jersey ang Pulo ng Ellis.

Dating tinatawag ito bilangMaliit na Pulo ng Talaba (Little Oyster Island).[1]. Nakuha ang pangalang Pulo ng Ellis mula kay Samuel Ellis, isang Bagong Yorkerong kolonyal, na maaaring nagmula saWales.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. New York Times,Naka-arkibo 2009-09-17 saWayback Machine. March 1, 2006, napuntahan noong Marso 16, 2008

HeograpiyaEstados UnidosAng lathalaing ito na tungkol saHeograpiya atEstados Unidos ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pulo_ng_Ellis&oldid=2086047"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp