Ang mgaPseudogene ang mga walang silbi o hindi gumaganang kamag-anak ng mgagene na nawalan ng kanilang kakayahan sa pagkokodigo ng protina o kundi ay hindi na maihahayag saselula.[1] Ang mga pseudogene ay kadalasang resulta mula sa pagtitipon ng maraming mgamutasyon sa loob ng isanggene na ang produkto ay hindi na kailangan para sa patuloy na pag-iral ng organismo. Bagaman ang ilan sa mga ito ay walang mgaintron o mgapromotor(ang mga pseudogene na ito ay kinokopya mula samRNA at sinasama sakromosoma at tinatawag na mga pinrosesong pseudogene),[2] ang karamihan sa mga ito ay may ilang tulad nggene na mga katangian gaya ng mga promotor, mgaislang CpG, at mgalugar ng splice. Gayunpaman, ang mga ito ay itinuturing na hindi na gumagana dahil sa kawalan ng kakayahan na magkodigo ng protina na nagreresulta mula sa iba ibang mga hindi nagpapaganang mga mutasyon(halimbawa mga maaganghintong codon o mgaframeshift), isang kawalan ngtranskripsiyon o kawalang kakayahan na magkodigo ngRNA gaya ng sa mgarRNA pseudogene. Ang katagang ito ay inimbento noong 1977 nina Jacqet al.[3] Dahil ang mga pseudogene ay pangakalahatang pinaniniwalaang ang huling paghinto para sa materyal na henomiko na aalisin mula sagenome,[4] ang mga ito ay kadalasang tinatawag nabasurang DNA. Maaaring ilarawan ang isang pseudogene sa operasyon bilang isang pragmento ngnucleotide sequence na kahawig ng isang alam na mga dominyo ng protina ngunit may mga hintong codon o mga frameshift mid-domain. Gayunpaman, ang mga pseudogene ay naglalaman ng mga kasaysayang biyolohikal atebolusyonaryo sa loob ng kanilang mga sekwensiya. Ito ay dahil sa pinagsasaluhang ninuno ng isang pseudogene sa isang gumagananggene. Sa parehong paraan na naisip niCharles Darwin ang dalawang species na nagsasalo ng isangkaraniwang ninuno na sinundan ng mga milyon milyong taon ng paghihiwalay na ebolusyonaryo, ang isang pseudogene at mga nauugnay na gene dito ay nagsasalo rin ng isangkaraniwang ninuno at naghiwalay bilang mga hiwalay na entidad na henetiko sa loob ng mga milyong milyong taon.
{{cite book}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link){{cite journal}}
:Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link){{cite journal}}
:Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)