Angprotista (Ingles:protistIPA:/ˈproʊtɨst/), ay pangkat ng magkakaibang mgaeukaryotikongmikroorganismo. Sa kasaysayan, tinuturing ang mga protista bilang kasapi ngkahariangProtista subalit hindi na ito kinikilala sa makabagongtaksonomiya.[3] Walang masyadong pagkakatulad ang mga protista maliban sa isang medyo payak na organisasyon - na maaaringsanselula sila omultiselula sila na walang natatangingmga tisyu. Naiiba ang payak na pagkakaayos ng selular sa ibang eukaryote, katulad ng mgahalamang singaw,hayop athalaman.
Unang ginamit ang katawagangprotista niErnst Haeckel noong1866. Tradisyunal na nahahati ang mga protista sa ilang mga pangkat na nakabatay sa pagkakatulad ng "mas mataas" na mga kaharian: ang isahang-sihay na mala-hayop naprotosowa, ang mala-halaman naprotopayta (karamihang isahang-sihay nalumot), at mala-halamang-singaw na mgamyxomycota. Dahil kadalasang nagsasanib ang mga pangkat nito, pinalitan sila ngpilohenetikang batayan sa pag-uuri. Bagaman, magagamit din sila sa hindi pormal na mga pangalan para sa paglalarawan ngmorpolohiya atekolohiya ng mga protista.
Nabubuhay ang mga protista sa kahit anumang kapaligiran na may likidongtubig. Maraming mga protista, katulad ng lumot, aypotositetiko at mahalagang pangunahing mangagagawa sa ekosistema, partikular sakaragatan bilang bahagi ngplankton. May ibang mga protista, katulad ng ngaKinetoplastid atApicomplexa ang responsable sa ilang mga seryosongsakit sa tao, katulad ngmalaria at sakit sapagtulog.