Sa mga lalaking tao, ang prostata ay isang glandulang kasukat ngwalnut na nakapaligid sayuritra at nakalagay sa ilalim ngpantog (bahay-tubig). Nag-aambag ito ng ilang dami ng ibang mga sustansiya sa pluwidong seminal habang nagaganap angehakulasyon. Sa mas may edad na mga lalaki, lumalaki ang glandulang ito at maaaring magdulot ng ilang mga suliranin sa pag-ihi.[4]
Noong 2002, ang pambabaeng mga glandulang para-uretral, o mgaglandula ni Skene, ay opisyal na muling pinangalanan bilang pambabaeng prostata ng Federative International Committee on Anatomical Terminology (Pederatibong Internasyunal na Lupon sa Terminolohiyang Anatomikal).[5]