Angpangngalan ay salita o bahagi ngpangungusap na tumutukoy sa ngalan ngtao, bagay, pook,hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto[1] Salinggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isangsimuno ng isangsugnay, bagay sa isangpandiwa, o bagay sa isangpang-ukol.[2]
Tungkol ito kung ang mga pangngalan ay pantangi o pambalana.[4]
Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: Pilipinas, Panagbenga
Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: bansa, korporasyon, pista.
Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangngalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at maykatangiang pisikal. Halimbawa:tubig,bundok, pagkain
Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa:wika, yaman,buhay
Lansak (o lansakan) - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla,sangkatauhan,kapuluan
Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa:kaisipan,salawikain, katapangan
Patalinghaga - pangngalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan) tanga (imbis na mangmang)
Denominasyon - pangngalang hango at lansak. Halimbawa: bloke, pulutong
Masasabing walang partikular nababae olalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy angkasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaingpusa
Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangngalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangngalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy nasi,ni, okay kapag mga tao ang tinutukoy, atang,ng (nang), osa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilangisang osang,sam, atson na mga hangong salita nito. Halimbawa: Angburol ayisanganyong lupa.
Dalawahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy nasina,nina,kina, at angmga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa:Sina Roberto at Rowena ang bumato samga ibong lumilipad.
Maramihan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa:kabahayan, kabukiran,Kabisayaan
Maaaring i-uri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito.
Likas - pangngalang natural na sa isang bagay at kadalasang hango sa kalikasan. Halimbawa:apoy,lindol,ligaya
Likha - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito. Halimbawa:agham,talatinigan,sining
Ligaw - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga. Halimbawa:demokrasya,relihiyon,butones
Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. Halimbawa:talumpati,watawat,ligalig
Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa:sinigang (mula sa "sigang", dinagdagan ng gitlaping "-ni-"), inihaw (mula sa "ihaw", dinagdagan ng unlaping "in-"),tindahan (mula sa "tinda", dinagdagan ng hulaping "-han"),palakasan (mula sa "lakas", dinagdagan ng magkabilaang laping "pa-" at "-san")
Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. Halimbawa:tau-tauhan,bagay-bagay,bali-balita
Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. Ito ay tinatagurian bilangcompound noun sa Ingles. Halimbawa:kisap-mata,bahay-kubo,bantay-salakay,bukas-palad
Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa, pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita.
Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:
Malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. Halimbawa:Andres Bonifacio, KayHuseng Batute, dalagang anak, baboy-ramo
Malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an" o "han". Halimbawa: Angpahayag (ipinahayag) ngSenador ay mahalaga sa bayan.
Malapandiwari - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano angdala (dinala) mo? Ang dala ko ay...
Malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sahapon ang may tuberkulosis.
Angsimuno opaksa ay pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay nakikita sa unang bahagi ng pangungusap kung mayay at sa gitna o hulihan kung walangay o nauuna ang panaguri.
Angpanaguri ay aang pangngalang tumutukoy sa simuno; dapat walang kilos o pandiwa sa pangungusap upang ang simuno at panaguri ay tumutukoy sa iisang pangngalan lamang.
Angpinaglalaanan pangngalang pinaglalaanan ng isang bagay o gawain. Ginagamitan ngkay,kina,para sa atsa sa unahan nito. Sumasagot ito sa tanong na "para kanino / para sa ano?"
Halimbawa: "Ang papel ay ipinasakay Minna."(Para kanino ang papel?)